Suspensyon ng fuel excise tax, inihirit ng mga drayber | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspensyon ng fuel excise tax, inihirit ng mga drayber

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2022 11:59 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Muling nanawagan ang mga transport groups at mga konsyumer sa pamahalaan na suspendihin ang pagpataw ng fuel excise tax sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection na dapat nang magkaroon ng special session ang Kongreso para ipasa ang batas para sa suspensyon ng fuel excise tax.

“Matagal na po naming panukala ito, at ito po yung suspension ng excise tax ‘no sa fuel products. Ito rin ang posisyon ng maraming mambabatas natin. Ang amin pong panawagan ay sana magkaroon na po ng special session ng Kongreso para maipasa ‘to,” aniya.

“Kasi po may, yung provision ng pag-suspend ng excise tax ay nag-expire na po. At kinakailangan po na ang Kongreso ay mag-special session para dito. Ngayon, sa panayam po namin sa isang programa sa DZMM, kasunod ko po si Senator Drilon doon, ang sabi ni Senator Drilon ang president ang dapat mag-call niyan.”

ADVERTISEMENT
“Eh kung hindi magko-call ang presidente, ay dapat na sumulat na ang Kongreso, Mr. President we need to have a special session para dito, dahil, halos lahat naman ng mambabatas, sabi nila, okay sa kanilang i-suspinde ‘to,” paliwanag niya.

Ganito rin ang pahayag ni Quezon City Representative Bong Suntay, na siyang pinuno rin ng Philippine National Taxi Operators Association.

“As early as November last year naghain na ako sa Kongreso ng isang panukala, kasama natin ang ibang mga congressman, na requesting for a temporary suspension ng excise tax na ipinataw nung under the TRAIN Law.”

“Nahearingan na nga namin yon eh, alam niyo, natapos na yung plenary debates tungkol doon sa panukala na yon suspending the excise tax, hindi lang nabigyan ng pagkakataon to undergo amendments tsaka third reading eh,” kuwento niya.

Ayon kay Inton, ginagawa na ng mga operator at drayber ng taxi ang lahat para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga konsyumer.

“On the part of the operators and drivers talagang napakaonti na lang ang magagawa mo. On the part of the operators, kagaya ng binanggit ko kanina, marami sa kanila ang nagbaba na ng boundary. In fact to such a level na parang quits quits na, na kokonti na lang para kumita sila.”

“On the part of the driver naman, dahil nga sa patuloy na pagtaas na presyo ng krudo, marami sa kanila ang napipilitan talagang hindi na bumiyahe or mamili ng kanilang pasada na gagawin, mamili ng araw. Dahil kahit na nga Alert Level 1, hindi pa naman ganoon kalakas ang biyahe and dahil wala namang fare increase na dinidinig pa on the part of LTFRB, eh talagang wala kang pagkukunan nong kakulangan doon sa kita.”

“That’s why we have been appealing--actually nag-meet ulit, yung ano naman this time, yung ad hoc committee, composed of 4 committees: Committee on Energy, Committee on Ways and Means, Committee on Economic Affairs and Committee on Transportation, napag-usapan na namin ito. In fact, naglalathala kami ng fuel prices act na gusto naming isulong sa mababang kapulungan ng kongreso,” kuwento ni Suntay.

“Pero kaming lahat, alam mo nagkasundo rin kami, na kailangan, if we want immediate relief to felt by both the public and the affected sector, kailangan talaga yung suspension ng excise tax ang gawin,” aniya.

Ayon sa Department of Budget and Management, maapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan kung sususpendihin ang pagpapatupad ng excise tax sa produktong petrolyo.

Pero ayon kay Inton, mas mahihirapan ang mga Pilipino kung hindi masasawata ang paglobo ng presyo ng krudo.

“Marami pa naman sources of revenue ang pamahalaan. Hindi lang po ‘tong excise tax. At sila rin, sila lang naman po nagsasabi na mawawala yan, na malaki mawawala. Pero mas malaki po ang mawawala sa atign ekonomiya kapag tumigil po ang transport,” aniya.

--TeleRadyo, 15 March 2022
Read More:
fuel
oil
oil price hike
fuel price hike
taas-presyo
petrolyo
krudo
fuel excise tax
fuel excise tax suspension
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT