KBYN: Recycled parol gawa ng mga senior citizen | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Recycled parol gawa ng mga senior citizen

KBYN: Recycled parol gawa ng mga senior citizen

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Gawa sa recyclable materials ang makukulay na parol na ginagawa ng dalawang senior citizens mula sa Quezon City at sa Bulacan.

Binubuo ng 69 taong gulang na si Lolo Reynaldo 'Dong' Magcuilat ang kaniyang parol mula sa mga patapong bote na kaniyang nakukuha sa lansangang tirahan niya sa loob ng tatlong dekada.

"Sa ganito na ginagawa namin, parol. Nakaraos din para may pambili sa pagkain namin," pagbabahagi niya sa KBYN.

Kasama ni Magcuilat sa Quezon City ang nakatatanda niyang kapatid na si Lolo Rico na 78 taong gulang na.

ADVERTISEMENT

Dahil may kahinaan, si Magcuilat ang nagtitiyagang maghanapbuhay para sa kanilang dalawa.

Iba't ibang kulay at laki naman ng parol mula sa straw ang nagagawa ng 78 taong gulang na si Lola Emiliana Esguerra sa Marilao, Bulacan.

"Nagsimula ‘yan, may batang lalaki na makikita akong nagugupit ng straw. Sabi, 'Bakit mo binubwisit ang straw? Pinaggugupit gupit mong ganiyan? Ito ‘pag makita mo, matutuwa ka. Eh nu'ng bumalik nga ‘yung bata, sabi 'Nanay Hule, ang ganda naman ng gawa mo ah?,'" kuwento niya.

Kasamang gumagawa ni Esguerra ang kaniyang mga anak na nagsilbi na ring libangan ng pamilya.

Tinutulungan rin siya ng mga anak sa pagbebenta online ng mga parol.

Alamin pa ang kuwento sa likod ng mga parol nina Lolo Reynaldo 'Dong' Magcuilat at Lola Emiliana Esguerra dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Casto.


RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.