KBYN: Gotohan sa Batangas pinipilahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Gotohan sa Batangas pinipilahan

KBYN: Gotohan sa Batangas pinipilahan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pinipilahan at binabalik-balikan ang isang gotohan sa San Juan, Batangas.

May halong laman at lamang loob ng baka ang gotong Batangas ni Oliver Marasigan ng Kuya Oliver's Gotohan.

"Dahil ang Batangas ay Cattle Capital ng bansa at 'yung mga lamang loob na noon ay hindi masyado napapansin o nasasayang, naisip ng mga Batangueño na gumawa ng sabaw na gawa sa mga parte ng baka na kagaya ng lamang loob ng baka. Doon nagsimula ang gotong Batangas," pagbabahagi ni Myrna Gomez, Senior Tourism Operations Officer ng lalawigan.

Madaling araw pa lang ay sinisimulan na ni Marisagan ang paghahanda ng kaniyang malasa at malinamnam na goto.

ADVERTISEMENT

"Napaka-importante na ang bakang gagamitin ay bagong katay. Hindi ako naglalagay ng baka na hindi bagong katay. Para ma-maintain mo 'yung quality at lasa, dapat laging sariwa 'yung karne at lamang loob ng baka," pagdedetalye niya sa KBYN.

Nagmumula sa iba't ibang panig ng bansa ang mga parokyano ng gotong Batangas.

Para kay Leopoldo Marano, walang problema sa kaniya na maghintay ng ilang oras makakain lang ng goto ni Marasigan.

"Ilang beses na ako nakakain dito. Eh talagang masarap kaya 'yung kaibigan ko na galing Saudi, eh isinama ko rito," kuwento niya.

Dahil sa hindi matatawaran nitong kalidad, gumawa ng ingay sa social media ang Kuya Oliver's Gotohan.

"Hindi ko makakalimutan 'yang social media at maraming naitulong sa amin, lalo sa mga nagba-vlog na patuloy na naniniwala sa akin, pino-promote nila itong goto ko," pagpapasalamat ni Marasigan.

Panoorin ang kuwento ng patok na gotong Batangas dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.