PatrolPH

KBYN: Alamin ang pumapatok na karera sa paglipad ng mga kalapati

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2022 06:48 AM

Watch more on iWantTFC

Higit sa pagpapa-anak ng mga kalapati na may magandang itsura lamang, mas nais ngayon ng mga fanciers, tawag sa mga mahihilig at nag-aalaga ng kalapati, na makapagpalaki ng ibong kayang lumipad ng malayuan at mabilis.

Isinasabak kasi ang mga ito sa pumapatok ngayong 'pigeon racing.'

Sa pigeon racing, kailangang mailipad ng mga sasaling kalapati ang daan-daang kilometrong layong ruta ng karera.

"Sa araw ng competition, lahat ng members, dadalhin namin 'yung pigeons sa main truck namin. So i-reregister namin, i-eencode namin sa computer then after that ikakarga namin sa truck. Then kinabukasan, Sunday, pakakawalan yung ibon. Ang bawat member maghihintay lang sa kaniya-kaniyang loft. Abangan namin 'yung uwi ng ibon. So, pagdating ng ibon, naka-sensor naman kami, once na nakatapak ang kalapati sa pinaka-plate ma-re-register na agad kung anong oras umuwi 'yung ibon mo. Ang competition ng kapalati is pabilisan ng speed," pagdedetalye ng Philippine Homing Pigeon Association Racing Chairman Nelson Chua sa KBYN.

Inaalam ng mga fancier breeders ang linyada ng kanilang mga iniimport na kalapati para siguradong mananalo ito sa araw ng karera.

"I-base 'yan from pedigree and from performance. When I import my birds din, tingnan ko mga past performance ng parents nila, mga grandparents, mga champion line nila, mga long-distance line nila. Then, sa mga local birds ko, mga breeding ko, mga performance nila. Kung magandang performance, doon ko nabe-base ang good blood line nila," pagbabahagi naman ng tinaguriang 'Godfather' ng pangangalapati na si Jaime Lim.

Dumarami na ngayon ang mga kababayan nating nahihilig sa karera ng mga kalapati.

Kilalanin pa sila dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.