KBYN: Kalapati aabot sa tatlong milyong piso ang halaga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Kalapati aabot sa tatlong milyong piso ang halaga

ABS-CBN News
Published Dec 04, 2022 07:20 PM PHT

Higit 500 kalapati ang inaalagaan ng negosyanteng si Jon Alegre sa Parañaque City.

Katunayan isang malaking bahay ang nakalaan para lamang sa kanilang tirahan.

"Since bata siya (Alegre) mahilig talaga siya. Pagka sinama siya ng father niya sa Maynila, bibili siya ng ibon para iuwi sa Pangasinan. Tapos inaalagaan niya lang. Masaya lang siya na lumilipad. Tapos noong nag-aral siguro siya medyo naging busy. Bumalik lang 'yung hobby niya nu'ng pandemic. Walang ginawa siyempre pagkatapos mo magtrabaho uuwi lang siya. Wala siyang ibang mapupuntahan. Kaya naisip niya ulit mag-alaga ng kalapati," kuwento ng loft consultant ni Alegre na si Ruzell Baldago sa KBYN.

Dahil sa kaniyang hilig sa mga kalapati, mayroon siyang breed nito na aabot sa P3 milyong ang halaga.
Dahil sa kaniyang hilig sa mga kalapati, mayroon siyang breed nito na aabot sa P3 milyong ang halaga.
ADVERTISEMENT
"Nandito sa loft ni Boss Jon, hawak namin 'yung mga blood line na galing ng Belgium," ani Baldago.

Namuhunan si Alegre para pagandahin ang kaniyang mga loft o hawla ng kapalati dahil hindi biro ang halaga ng ilan sa kaniyang mga alaga.

Alamin ang kabuuan ng pag-aalaga niya ng mga kalapati at kilalanin rin ang tinaguriang 'Godfather' ng pangangalapati dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Kalapati
Pigeon
Parañaque City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT