KBYN: Grupo ng kababaihan gumagawa ng mga Santa Claus sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Grupo ng kababaihan gumagawa ng mga Santa Claus sa Antipolo

KBYN: Grupo ng kababaihan gumagawa ng mga Santa Claus sa Antipolo

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Gumagawa ng iba't ibang sukat, kulay at disenyo ng Santa Claus ang grupo ng mga kababaihan sa Cogeo, Antipolo City.

Halos bawat bahay sa isang komunidad sa Cogeo ay gumagawa ng mga santa klaws.

Ginagawa nila ang mga pangdekorasyong ito sa pasko mula Agosto hanggang Disyembre.

Maproseso at matrabaho ang paggawa nito kung kaya't karagdagang tao ang kinakailangan sa produksyon nito.

ADVERTISEMENT

Kaya naman si Sherimay Bautista, nakapagbibigay ng hanapabuhay sa mga namamasukan sa kanila.

"Sa ganito, kailangan alam mo lahat eh. Kaya pinag-aralan ko rin po," kuwento niya sa KBYN.

Taong 1996 pa gumagawa ng mga santa klaws figurines si Nanay Gloria Enesio.

"Nagccleaning lang kami, namamasukan lang kami. Nagustuhan kami ng amo namin. Sa Santa Klaws, nilapitan ako ni Ma’am Nora, sabi niya gawin mo ‘yan, bibigyan kita ng puhunan," kuwento ni Enesio.

Mula sa kanilang pagawaan sa kani-kanilang mga tahanan, ibinebenta nila ito sa isang palengke malapit rin sa kanilang lugar.

Sa mga kababayan nating limitado lamang ang budget, mabibili sa abot-kayang halaga ang makukulay nilang dekorasyon.

Kilalanin pa ang ilang kababaihan ng Cogeo sa Antipolo City na malaki ang naitulong ng paggawa at pagbebenta ng santa klaws sa kanilang buhay dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.