KBYN: Pag-aalaga ng kabayo gaano ka-metikuloso? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
KBYN: Pag-aalaga ng kabayo gaano ka-metikuloso?

ABS-CBN News
Published Dec 11, 2022 06:00 PM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kasing bilis ng mga humaharurot na sasakyan ang mga 'thouroughbred horses,' breed ng kabayo na nakikita nating kumakarera o tinatawag na 'race horses.'

Hindi biro ang pag-aalaga sa mga atletang kabayong ito.

Pumapatak sa P8,000.00 hanggang P25,000.00 kada buwan ang gastos para mapanatiling malusog ang mga pangarerang kabayo.

Sa San Lazaro Race Track sa Carmona, Cavite, sa mga sota na gaya ni Jaime Caintic nakasalalay ang pagpapanatili ng kanilang kalusugan.

Mahigit tatlong dekada na niya itong ginagawa.

"Nalilinis ng kabayo, pagpapakain, pag-eensayo tsaka binabantayan po sila. Kapag nagksakit sila, binabantayan sila," pagpapaliwanag ni Caintic sa kaniyang trabaho bilang sota kay Kabayan Noli de Castro.

Para sa equine veterinarian na si Dr. Dan Arreola, mahalaga sa mga kabayo ang pagkikil ng kanilang mga ngipin.

"Kasi humahaba po, tumatalas ang ngipin ng kabayo. Kapag hindi mo siya kinikilan, maaapektuhan 'yung kaniyang performance in terms of handling, in terms of eating," kuwento ni Dr. Arreola.

Madalas rin nilang ginagawa ang pagkakapon.

"Ang main reason bakit natin kinakapon ang kabayo is usually nirerequest ng trainer 'yan, tinatanggal natin 'yung excess na testosterone. Kung hindi naman siya gagamitin sa breeding, might as well na i-castrate ang kabayo," dagdag niya.

Alamin ang iba pang bagay na ginagawa sa pag-aalaga ng mga kabayo dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Kabayo
Horse
Carmona
Cavite
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT