KBYN: Mga kabayong hindi na makapangarera hinahanapan ng bagong tahanan | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Mga kabayong hindi na makapangarera hinahanapan ng bagong tahanan

KBYN: Mga kabayong hindi na makapangarera hinahanapan ng bagong tahanan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

May kinabukasan pa ang mga kabayong magkakaroon ng sakit, makararanas ng aksidente o magreretiro na sa pangangarera.

Isang dekada nang adbokasiya ni Vikki Lopez ang 'rehoming' at 'rehabilitation' ng mga kabayo.

Nasa 48 kabayo na ang kaniyang na-rehome kung saan maaari itong gawin sa tatlong paraan.

"A horse can be given, talagang hindi binabayaran, binibigay lang siya on the condition na 'yung pupuntahan niya is forever home niya. And then there is the sale. When an ex-race horse is sold, the price is a lot lower. And the third one is co-ownership po. It can be na, ipaampon ko sa iyo, ikaw gagastos lahat, pero ako pa rin yung may-ari," pagdedetalye niya sa KBYN.

ADVERTISEMENT

May malalim na dahilan si Lopez kung bakit malaki ang pagmamalasakit niya sa mga kabayo.

"One of the joys of owning a horse, like owning a dog is for emotional benefits and the mental benefit po," kuwento niya.

Ang kabayong ni-rehome ni Lopez na si 'Maximum Speed' o 'Max' ay kinupkop niyang hindi na nakatatakbo.

Sa pamamagitan ng kaniyang rehabilitation at rehoming, makalipas lamang ng ilang buwan ay nahanapan niya ito ng bagong may-ari at kamakailan lamang ay nakasabak pa sa pangangarera.

Ang hineteng sumakay kay Max ay ang multi-titled at champion jockey na si Jessie 'JB' Guce.

"Siguro, miracle po doon sa kabayo, at tsaka 'yung team work na mabigyan ng second chance 'yung kabayo. Nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon and then nanalo pa and magandang panalo pa, unexpected na talagang nagperform siya," ani Guce.

Alamin ang ilan sa mga kabayong natulungan ni Lopez at kung paano ang industriya sa pag-aalaga ng mga kabayo dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.