KBYN: Giant poodle aabot sa kalahating milyon ang halaga bawat isa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Giant poodle aabot sa kalahating milyon ang halaga bawat isa

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2022 01:49 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Aabot sa kalahating milyong piso ang presyo ng isang giant poodle na ibinibreed ng kilalang celebrity dermatologists na sina Dr. Aivee at Z Teo.

Isa sila sa mga unang nagkaroon ng giant poddle sa Pilipinas.

"Nagulat kami kasi noong ginala namin sila dito sa BGC, pinagkakaguluhan sila. Para silang artista," kuwento ni Dr. Aivee kay Kabayan Noli de Castro.

Iniregalo ni Dr. Z ang isang pares na giant poodle sa asawang si Dr. Aivee noong 2019 bilang Christmas gift.
Iniregalo ni Dr. Z ang isang pares na giant poodle sa asawang si Dr. Aivee noong 2019 bilang Christmas gift.
ADVERTISEMENT
Ang mga giant poodle o kilala rin sa tawag na royal poodle ay mas malaki kumpara sa average standard poodle.

Sila ay may taas na 20 hanggang 28 inches habang ang average poodle naman ay nasa 15 hanggang 21 inches lang.

May bigat naman ito na 80 hanggang 90 pounds.

Dahil isang pares na lalaki at babaeng giant poodle ang alaga nila, nabuntis ang babaeng giant poodle at nanganak ng walong malulusog na puppies nang magsimula ang pandemya.

Sa sobrang tuwa sa mga bagong panganak na alaga, nagpost ng mga retrato sa social media ang mag-asawa.

Maraming netizens sa Pilipinas maging sa ibang bansa ang natuwa at nagkaroon ng interes sa kanilang mga naglalakihang alaga.

"Lahat ng tao nagkagulo, nagsimula po sa mga kapatid ko 'yung mga kapatid ko gustong humingi lahat ng mga kamag-anak namin mga kaibigan, uy, ang dami po naming nagtanong na, nag-inquire, nagulat kami," ani Dr. Aivee.

Dahil dito, naisipan ni Dr. Z na magbreed ng giant poodle.

"Right now we have 8 puppies going to Moscow, New York, Italy, Japan, Singapore," paglalahad ni Dr. Z.

Ilang celebrities na rin ang bumili ng giant poodles sa kanila gaya na lamang nina Megastar Sharon Cuneta at Yassi Pressman.

Sa mga gustong mag-alaga ng mga gentle giant na ito, aabot sa P400,00.00 hanggang P500,00.00 ang isang giant poodle mula sa kennel ni Dr. Z.

Dahil sa tama at magandang pag-aalaga, matibay at hindi nagkakasakit ang kanilang mga alagang giant poodle.

"Actually I'm very surprised that for the past 3 years, they are very resilient. I don’t see them sick at all. They don’t have the major problems you see in big breeds," ani Dr. Z.

Sa kasalukuyan ay mayroon silang 20 aso sa kanilang pangangalaga.

Inumpisahan man ng mag-asawa ang pagbibreed ng mga giant poodle, lilimitahan pa rin nila ang dami nito para masiguro ang magandang kalusugan at kalidad ng bloodline ng kanilang mga alaga.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Poodle
Giant poodle
Dr. Aivee Teo
Dr. Z Teo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT