KBYN: Nakaaaliw na diskarte sa pagbebenta ni 'Boy Palitaw' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Nakaaaliw na diskarte sa pagbebenta ni 'Boy Palitaw'

ABS-CBN News
Published Sep 18, 2022 09:34 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakaaaliw ang istilo ng 18 taong gulang na si John Mark Navarro sa pagbebenta niya ng mga kakanin o meryenda sa Central Bicutan sa Taguig City.

Katuwaan lamang nila na ipatong sa kaniyang ulo ang mga lalagyan ng meryenda habang inilalako ito sa kanilang lugar gamit ang bisikleta.

"7 years old pa lang po ako nagtitinda na ako ng mga yema, turon, kakanin. Nu'ng 14 na po ako, doon na po ako nagpatung-patong sa ulo. Parang katuwaan ko lang po, siyempre po ngayon lang sila nakakita ng nagbabalance ng naka-bike," kuwento ni Navarro sa KBYN.

Dahil sa kaniyang pambihirang diskarte sa pagbebenta, nagviral online at kinaaliwan si Navarro ng netizens.

ADVERTISEMENT
Ang kaniyang ina na si Maritess ang nagluluto ng mga kakanin na kanyang itinitinda.

"Ang kasipagan ni Mark, hindi puwedeng tumbasan ng pera tsaka nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng anak na tulad ni Mark na masipag," kuwento ni Gng. Navarro.

Katuwang naman sa paghahanda ng mga ibebentang meryenda ang kuya niyang si Gabriel.

Hindi biro at hindi malayo sa aksidente ang ganitong istilo ng pagtitinda ni Navarro.

Kamakailan lang ay nalaglag mula sa kaniyang ulo ang mga binabalanse habang nagba-bike dahil sa lakas ng hangin.

"May tumulong po sa akin, mga tricycle driver, mga kaibigan ko po tapos 'yung isa naawa sa akin, nagbigay po sa akin ng isang daan," ani Navarro.

Pero sa gitna ng peligro hindi siya maaaring tumigil sa pagpadyak dahil siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya.

"Kayod lang po talaga. Ako lang po talaga inaasahan ni Mama. Kuya ko po nagtatrabaho lang sa tubigan pero kulang pa rin," kuwento niya.

Hanggat kakayanin, ang kaniyang nakabibilib na talento ay patuloy niyang gagamitin hangga't siya ay nakapagbibigay-saya sa kapwa, nakatutulong sa kaniyang pamilya at hanggang ang kaniyang mga pangarap ay magkaroon na ng katuparan.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Meryenda
Palitaw
Viral
Trending
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT