KBYN: Hamon at pagsubok sa paghahango ng tahong at talaba | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Hamon at pagsubok sa paghahango ng tahong at talaba

KBYN: Hamon at pagsubok sa paghahango ng tahong at talaba

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bago pa man mangyari ang COVID-19 pandemic, iba't ibang problema na ang kinahaharap ng mga kababayan nating hanapbuhay ang paghahango at pagbebenta ng mga tahong at talaba.

Maraming lamang dagat gaya na lamang ng tahong ang nakukuha ng mga naninirahan malapit sa Manila Bay sa Parañaque City.

Sa paglipas ng mga taon, ang pagpapalaki ng tahong ang naging pangunahing kabuhayan ng mga residenteng nakatira sa Brgy. La Huerta gaya na lamang ni Rodolfo Andaya na dalawang dekada na itong hanapbuhay.

Ang mga tahong ay kusang kumakapit sa mga baklad o 'yung mga kawayan na nakatusok sa ilalim ng dagat.

ADVERTISEMENT

Subalit ang mga kawayang ito ay pinababaklas ng Department of Environment and Natural Resources o DENR dahil sa polusyong naidudulot umano nito sa Manila Bay.

"Dati po Kabayan, wala po 'yung mga floating (ipinalit sa kawayan) na 'yan. Eh kaso nga lang, ang sinuggest ng DENR 'yung container at tsaka drum, puwede naman tsaka 'yung lubid," kuwento ni Andaya kay Kabayan Noli de Castro.

Matrabaho aniya ang ibinigay na alternatibo ng pamahalaan sa nakasanayang mga kawayan na ginagamit nila sa pagpapalaki ng mga tahong.

Hindi umano nakapipinsala ang mga kawayan sa dagat kundi ang mga basura galing sa kalapit na kabahayan at mga establisyemento.

Ang lumalalang polusyon sa Manila Bay kasabay pa ng pabago-bagong panahon, ay may malaking epekto hindi lang sa pagpaparami kundi maging sa pagpapalaki ng kanilang mga tahong.

Matindi rin ang pangamba ng mga magtatahong sa isinasagawang reklamasyon ngayon sa Manila Bay dahil higit na tatamaan ang kanilang kabuhayan.

"'Pag natuloy 'yun, magkakaroon ulit ng displacement. Hindi lang ng buong Parañaque pati karatig na bayan. Eh eventually baka mawala na rin ang tahong culture kung magtuloy po kasi tatambakan na nila eh," ani Alexander Allanigue, Vice Chairman ng United Marketing and Services Cooperative.

Sa probinsya ng Cavite, tanyag sa Bacoor ang mga talaba.

Katulad ng mga tahong, kusang kumakapit at nabubuhay sa kawayan ang mga talaba.

Kaya naman magandang negosyo ito lalo na para sa mga maliliit na mangingisda.

"''Yung talaba at tahong natural na nabubuhay sa isang pangisdaan tulad ng Bacoor na hindi mo na kailangan mag-ipon ng kapital. Hindi mo na kailangan humanap pa ng mga semilya ng tahong, ng talaba, ng other shellfish diyan sa Bacoor kasi meron talaga siya. So ito 'yung aquaculture na non-feeding na patok na patok sa mahihirap na mangingisda at mamamayan," pagdedetalye ni Fernando Hicap, Chairperson ng PAMALAKAYA.

Gaya ng mga taga-Parañaque, kalbaryo din ng mga magtatalaba gaya ni Bong Benosa ang pagpapatanggal ng mga kawayan sa dagat at ang mga reclamation project sa kanilang lugar.

"Unang una diyan sa CAVITEX na ‘yan, diyan talaga nawala ang mga talaba," kuwento niya.

Kasabay ng reklamasyon, marami ang nawalang bakawan o 'yung mangroves na binabahayan ng iba't ibang uri ng isda.

Kung magtutuloy-tuloy ang naturang mga proyekto sa Parañaque at Cavite na dalawa sa pinakamalaking pinagkukunan ng tahong at talaba, hindi malayong ikamatay ito ng kanilang industriya.

Ibinagi ng Philippine Reclamation Authority ang plano ng pamahalaan sa mga kababayan nating magtatahong at magtatalaba.

"Talagang kinonsider din doon sa social impact nu'n 'yung dislocation ni Bacoor na meron talagang affected na fisherfolks. Nakalagay naman doon na irerelocate siya and then these people na stakeholders na 'yun would still get their source of living. Magkakaroon ng determination o assignment na naman ng bagong fishing grounds nila," pahayag ni Atty. Joseph John Literal, Assistant Manager for Reclamation and Regulation ng Philippine Reclamation Authority.

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ngayon ng ating mga magtatahong at magtatalaba, umaasa pa rin sila na mapakikinggan sila ng mga bagong administrasyon.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.