KBYN: Sakripisyo at hirap ng mga kariton vendor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Sakripisyo at hirap ng mga kariton vendor

ABS-CBN News
Published Jul 03, 2022 09:37 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Samu't saring sakripisyo at hirap ang kinakaharap ng mga kababayan nating kariton vendor na naghahanapbuhay sa bangketa o sa kalsada.

Nakilala ng KBYN ang tatlong kabayan nating eksperto na kung maituturing sa hanapbuhay na ito.

Laman ng kalye sa Brgy. Culiat sa Quezon City sina Gema Aguilar at Benjie Tuwalla.

Dalawang dekada nang naglalako ng mga damit sa Quezon City si Aguilar na hinahango ang mga paninda sa Divisoria.
Dalawang dekada nang naglalako ng mga damit sa Quezon City si Aguilar na hinahango ang mga paninda sa Divisoria.
ADVERTISEMENT
Tatlong taon naman nang nangangamuhan ang tindero ng gulay na si Tuwalla.

Halos sa puwestong kariton naman naninirahan si Concepcion Garcia na nagtitinda ng saging malapit sa palengke sa Baseco sa Maynila.

May inuupahan siyang bahay pero mas komportable raw siya sa kariton magpahinga dahil sa masikip nilang tahanan.

"Alas otso (ng gabi) kapag mayroong tira iligpit na. Ito (mga tindang saging) ipasok ko diyan (sa ilalim ng kariton) para po makahiga," kuwento ni Garcia.

Bukod sa maliit ang kinikita sa paglalako, iba't ibang problema rin ang pinagdadaanan nila sa kanilang hanapbuhay gaya ng panahon, mababangga sa daanan o mahuhuli ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

"Minsan nabangga 'yung kariton ko. Nu'ng nakaraan nabangga 'yung kariton ko kaya pinalitan namin ng bakal, dati kasi kahoy," kuwento ni Aguilar kay Kabayan Noli de Castro.

Sa kabila nito, hindi paaawat ang mga gaya nina Aguilar, Tuwalla at Garcia na ipagpatuloy ang pagiging kariton vendor lalo na't ito ang pangunahing instrumento para maitawid nila ang pangangailangan ng pamilya.

Nag-abot ang KBYN ng kaunting tulong sa tatlong kariton vendors para pandagdag-puhunan sa kanilang munting negosyo.

"Masaya po kasi malaking tulong po 'yung binigay ni Kabayan na pangpuhunan para sa pang-araw-araw din na gastusin," pagpapasalamat ni Tuwalla.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Kariton
Kariton vendor
Quezon City
Baseco
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT