KBYN: Bakit tinawag na 'royal dog' ang corgi? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Bakit tinawag na 'royal dog' ang corgi?

KBYN: Bakit tinawag na 'royal dog' ang corgi?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang pembroke welsch corgi na nagmula sa Pembrokeshire, Wales ang uri ng asong inaalagaan ng reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II kaya naman kilala rin ito ng nakararami bilang 'royal dog.'

'Dwarf dog' ang ibig sabihin ng corgi sa Welsh.

Dito sa Pilipinas, paborito rin itong alagaan ng ilang celebrities dahil sa nakaaaliw nitong itsura.

Nakilala ng KBYN ang isang breeder ng corgi sa Bocaue, Bulacan, ang Zelton Corgis.

ADVERTISEMENT

Mala-resort ang corgi kennel ng mag-asawang Anthony at Zelina Silva.

"Si Corgi kasi Sir known for their clingyness and sweetness, 'yan ganyan. Playful sila Sir pero po kapag-ka po nandiyan kami, ganito lang sila. They always want to be with you. Sa personality ng dog, ng corgi, kaya namin siya napili puwede siya sa loob ng bahay. Kumbaga, hindi siya ganoon kahirap i-maintain," kuwento ni Zelina Silva.

Nagsimula lang sila noon sa pag-aalaga ng dalawang corgi pero ngayon, mayroon na silang humigit-kumulang sa tatlumpung corgi.

Umaabot mula P100,000,00 hanggang P200,000.00 ang bentahan ng isang baby corgi.

Bagamat may kamahalan, dumarami raw ang mga kababayan natin na bumibili nito lalo na nang magsimula ang pandemya.

"Nu'ng pandemic kasi, mas lalong maraming naghahanap ng corgi siguro po dahil nasa bahay 'yung mga tao, hindi nakakalabas. So, tayo, naghahanap tayo ng parang makakasama para kasi nakakastress or nakakadepress sa iba po na 'yung wala silang ginagawa," pagdedetalye ni Silva.

Isa na ang negosyo ng mag-asawang Silva sa pinakakilalang corgi breeder sa Luzon.

Susi nila sa lumalakas na kabuhayan ay ang paraan ng pag-aalaga nila sa mga ito.

"Hindi naman sila nandito lang for the sake of magbibreed. Gusto rin namin ma-enjoy nila 'yung buhay kasama nila kami. Hindi ko kaya na may dog kami na alaga na hindi ko nabibigyan ng atensyon," ani Silva.

RELATED LINKS:

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.