KBYN: Husay ng mga bata sa fire dancing at acrobatics | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Husay ng mga bata sa fire dancing at acrobatics

ABS-CBN News
Published Jun 20, 2022 12:21 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa edad na 10, bihasa na pagdating sa fire dancing si Clyde Louise Basbas at sa acrobatics naman nagpapakitang-gilas ang 11 taong gulang na si Francis 'Kiko' Lee.

Maliit pa lamang si Basbas nang magka-interes siya sa fire dancing.

"'Yung first birthday ko po kasi, napapanood ko po ‘yung Papa ko po na nagfifire dance po. Namangha po ako kaya gusto ko pong gayahin," kuwento ni Basbas sa KBYN.

Fire dancer ang ama ni Basbas. Nagsimula siyang mag-ensayo sa edad na dalawa. Nang magtatlong taong gulang, dito na siya mismo nagsanay gamit ang apoy.

"Natuwa po kami eh. Talagang gustong gusto niya, nagpa-practice siya sa sinturon. Ginawan po namin siya ng medyas na may bola po sa loob. Tapos ‘yun po 'yung araw-araw na hawak niya. ‘Yung mga laruan, balewala sa kaniya. Gusto niya talaga 'yung magpractice, mag-fire dance," kuwento ng mga magulang nito na si Barry Basbas at Rose Quizon sa KBYN.

Hindi basta basta ang pagsasanay ng fire dance. May pagkakataon na rin na nasasaktan si Basbas ngunit sa kabila nito ay desidido siyang pagbutihin ang kaniyang hilig.

Dahil sa galing at husay ni Basbas sa hindi niya pangkaraniwang talento, kilala na siya ngayon bilang 'Kiddo on Fire' ng Sta. Rosa, Laguna.

Naging instrumento rin ang kaniyang talento para makatulong sa pamilya.

Kilala naman bilang 'Hypemazing Kiko' ng Cabuyao, Laguna si Lee.

"Four years old lang pa lang po ako nu'ng ako po ay matutong mag-acrobat. Nagsimula po ako noong nakikita ko po sila Daddy nag-a-acrobat tapos nagustuhan ko po ito," ani Lee.

Buo ang suporta ng kaniyang mga magulang sa kaniya lalo pa't pawang mga acrobats rin ang mga ito.

"Sabi niya Daddy baka puwede mo akong turuan kasi gawa ng gusto ko rin magganiyan. 'Yun po tinuruan ko po siya. Una po sumali po siya sa amin tapos kami po munang dalawa. Masaya po kasi pinakabonding po naming dalawa, nag-a-acrobats po," kuwento ng ama ni Lee na si Robby.

May contest man o wala, tuloy lamang si Lee sa pagsasanay para mapanatili ang husay at galing nito sa acrobatics.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Fire dancing
Acrobatics
Wonder Kids
Laguna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT