KBYN: Ang mahabang buhay ng mga centenarian sa Negros Occidental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Ang mahabang buhay ng mga centenarian sa Negros Occidental

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2022 01:04 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bukod sa pagiging sikat na tourist destination, tanyag ang Negros Occidental bilang tahanan ng mga centenarian, mga kapamilya nating nasa edad isang daang taon pataas.

Ito rin ang unang lugar na nagpatupad ng Republic Act 10868 o ang 'Centenarians Act of 2016' na layong kilalanin at mabigyan ng cash benefits ang mga lolo at lola na buong lakas na inabot ang isang daang taong pamumuhay.

Mapapabilang sana sa Guinness World Records ang 124 taong gulang na si Lola Francisca Susano noong nakaraang taon. Habang pinoproseso ang kaniyang dokumento, pumanaw naman siya nitong Nobyembre.

Sa kabila nito, nakilala naman ng KBYN ang anak niya na isa na ring centenarian, ang 102-year-old na si Lola Magdalina Susano Ortega.

Panganay sa 14 na magkakapatid si Ortega.

"Noon, gusto ko makatapos ng kahit Grade 1 lang kaso kailangan may mag-alaga sa mga kapatid ko. Katabi ko lang ang duyan palagi. Dalawang kapatid ko nasa likod ko, 'yung isa naman nasa harap ko, bitbit ko sila," pagbabalik-tanaw ni Ortega sa hirap ng buhay nila noon.

Bagamat mahina na ang pandinig, ipinagmamalaki ni Ortega na wala siyang iniinom na maintenance, nakapaglalakad pa ng maayos at nakakapaghalaman rin.

Ang 102-year-old rin na si Ramonieta ‘Lola Monet’ Rico, malakas pang nakagagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pag-iigib ng tubig.

Detalyado rin kung magkuwento si Rico lalo na ng kaniyang karanasan noong World War II.
Detalyado rin kung magkuwento si Rico lalo na ng kaniyang karanasan noong World War II.
ADVERTISEMENT
"Noong nag-aaral ako ng Grade 1, may malay na ako. Naaalala ko si Jose Rizal, ang kalaban niya ay mga Kastila. Hindi pa ako nakapagtapos ng Grade 4, dumating naman ang mga Hapon. Nagtatago kami. Ang bahay namin may taguan sa ilalim. Doon kami sa ilalim nagtatago," kuwento niya sa salitang Hiligaynon na isinalin sa Tagalog ng KBYN.

Kahit matanda na, hilig pa rin daw kainin ni Rico ang taba ng baboy.

Kasama niya ngayon sa buhay ang mga anak at apo.

Hindi pa na-o-ospital at wala ring maintenance na iniinom si Lolo Juan Esmeralda na ipinagdiwang ang ika-104 taong kaarawan nitong Araw ng Kalayaan.

Bata kung mag-isip si Esmeralda dahil mayroon itong Alzheimer’s disease at hindi na rin nakakakita ang isa nitong mata.

Sa kabila ng kondisyon, naibahagi nito ng bahagya ang buhay noong kaniyang kabataan.

"Maliit pa ako noon hanggang sa lumaki na, ako na tagapastol ng aming kalabaw. Maaga namatay ang aming Tatay," ani Esmeralda.

Nananatiling masayahin at puno ng positibong pananaw sa buhay ang tatlong centenarian ng Negros Occidental. Ito ay sa tulong ng pamilyang patuloy na gumagabay at nagmamahal sa kanila.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Centenarian
Negros Occidental
Centenarian Act
Centenarian Act of 2016
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT