KBYN: Peluka o wig ginagawa gamit ang tunay na buhok ng tao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Peluka o wig ginagawa gamit ang tunay na buhok ng tao

KBYN: Peluka o wig ginagawa gamit ang tunay na buhok ng tao

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Na-diagnose na may sakit na kanser ang apat na taong gulang na batang si Sofie Ticman.

Taong 2020 nang malaman ng mag-asawang Rafael at Sofia Cunanan na may bukol sa tiyan ang kanilang panganay na anak. Dulot umano ito ng kaniyang kondisyon na Ewing's sarcoma o peripheral primitive neuroectodermal tumor, isang pambihirang klase ng kanser sa buto.

"Meron palang tumutubo sa tiyan niya. Nu'ng lumalaki po 'yung tiyan, parang tumor. Tapos simula po nu'ng pinansin namin, lumalaki nang lumalaki. Hindi na siya kumakain ng madami," kuwento ng mag-asawa sa KBYN.

Dalawang taon nang sumasailalim sa chemotherapy si baby Sofie na nagresulta sa pagkalagas ng mga buhok nito.

ADVERTISEMENT

Ang pagkakaroon ng wig ang nagbibigay-sigla at pag-asa sa mga gaya ni baby Sofie.

Adbokasiya ng The European Hair Factory ang paggawa ng mga wig gamit ang tunay na buhok ng tao sa pamamagitan ng kanilang 'Hair for Hope Project.'

"Dito kasi sa Pilipinas, mahal talaga ang presyo ng wig lalo na pagdating sa human hair. Ang cost kasi nito sa market is from P50,000.00 to P75,000.00. Nagpo-provide tayo ng wig sa kanila (gaya ni baby Sofie) para ma-boost 'yung kanilang confidence, magkaroon ulit sila ng kanilang kasiyahan lalong lalo na 'yung mga less fortunate na mga pasyente," ani Rocel Serrano Suruelos, manager ng Hair for Hope Project.

Metikuloso ang paraan ng paggawa ng mga wig para magmukha itong tunay na buhok.

Para makabuo, kailangan ng siyam na tungkos ng buhok mula sa siyam na ulo rin ng tao.

Bukas sa donasyon ang grupo sa mga nagnanais makatulog sa cancer patients.

Isa sa mga madalas na magdonate ng buhok ang colon cancer survivor na si Geronimo Pablo, Jr. Panata na niya ang magpakalbo taon taon at nagsasagawa ng ibang aktibidad sa mga gaya niyang nagkaroon at naka-survive sa sakit.

"Mag-17 years na akong survivor. Naging advocacy ko na 'yun after na mag-giveback naman. Doon na nagstart 'yung advocacy ko naman na magpakalbo yearly. Nag-organize tayo ng fun run na bago tumakbo, nagpapakalbo muna 'yung mga participants in support doon sa mga batang nakakalbo, nagchechemo para ipakita sa kanila na okay lang 'yan buhok lang 'yan," pagdedetalye ni Pablo.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.