KBYN: Lolo nakagagawa ng stunts sa kaniyang bisikleta | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Lolo nakagagawa ng stunts sa kaniyang bisikleta

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2022 06:01 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa edad na 78, nakagagawa pa ng iba't ibang stunts sa kaniyang bisikleta si Lolo Conrado Magcalas.

Matagal nang gumagamit ng bisikleta si Magcalas. Bahagi ito ng hanapbuhay niya noon sa pagbebenta ng diyaryo.

Natutong gumawa ng samu't saring bike stunts si Magcalas mula sa kaniyang mga kaibigan.

"Noong 21 ako, doon ko sila nakilala. Hindi ko alam na marunong silang mag-stunt na ganoon kaya nakiusap ako sa kanila na kung maaari turuan nila ako. Ayon, tinuruan nila ako," kuwento ni Magcalas sa KBYN.

Dahil sa angking galing ni Magcalas, minsan na rin siyang nag-viral sa social media kung kaya't tinawag siyang si 'Lolo Biker.'

Lumang bisikleta na ang ginagamit ni Magcalas. Naisin man niyang magkaroon ng bago ay wala siyang kakayanan para makabili.

Napanood ng grupo ni JC Agpalo ang nakaaaliw na video ni 'Lolo Biker.'

Sinimulan ni Agpalo ang Bamboo Bikes Philippines kung saan nagsama-sama dito ang mga mahihilig sa bisikletang gawa sa matibay na kawayan.

Pinagkalooban nina Agpalo si Magcalas ng sarili nitong bamboo bike.

"Gusto talaga namin na dumami pa 'yung magkaroon ng bamboo bike. Mas marami na, mas mapababa pa namin 'yung price nu'ng bamboo bikes sa Philippines," ani Agpalo.

RELATED LINK:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT