KBYN: Mga mamahaling parrot, malayang pinalilipad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Mga mamahaling parrot, malayang pinalilipad

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published May 30, 2022 10:02 PM PHT
|
Updated May 30, 2022 10:36 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Malayang pinalilipad sa ere ng isang grupo na mahihilig sa ibon ang iba't ibang klase ng parrot na aabot sa daang libo ang halaga.

Sinimulan ni Rick Espiritu ang Majestic Wings of the Philippines noong 2015 na layong pagsamahin ang mga Pilipino na mahihilig sa ibon lalo na pagdating sa larangan ng 'free flight' o ang pagtuturo sa mga parrot na lumipad nang malaya na nakababalik pa rin sa kanila.

"Ginawa nga natin tinuwist natin 'yung pag-aalaga ng parrot. Karaniwan nakikita lang natin sila, nakakulong sila, titingnan natin, susubuan lang natin sila. Ito 'yung twist, nilabas natin sila sa cage nila, tinuruan natin sila sa karaniwan nilang ginagawa nila sa wild. Nag-enjoy na 'yung mga ibon natin, nag-enjoy pa tayo sa mga ginagawa natin na hobby," kuwento ni Espiritu sa KBYN.

Bata pa lamang, mahilig si Espiritu sa pag-aalaga ng mga ibon. Mula sa isang parrot noon, mayroon na siyang 50 iba't ibang klase ng parrot ngayon gaya na lamang ng sun conure, African grey, blue-naped, cockatoo at macaw.

ADVERTISEMENT
Pinag-aralan ni Espiritu kung paano mag-breed at mag-train ng mga parrot. Tiyaga ang kinakailangan sa pag-aalaga ng mga ito.

Bukod sa pagtuturo sa mga parrot na magsalita, napanood niya sa isang video online ang ginagawa ng Australia sa mga parrot, ang ginagawa na nila ngayong free flight.

'Indoor recall' ang unang pagsasanay nila kung saan tatawagin ng 'master,' tawag sa amo, ang parrot hanggang sa ito ay lumapit.

Kapag natapos na ang indoor recall training, maaari nang isabak ang parrot sa free flight training.

"'Pag solid na 'yung recall nila, diyan na papasok 'yung outdoor. Sa outdoor, hindi porket okay na, hindi pa ganoon. 'Pag outdoor siya, may tinatawag tayong 'weathering.' Sa weathering, for example, first time mong i-outdoor, punta ka sa site, huwag mo munang papakawalan. Ipakita mo lang sa kaniya 'yung lugar. 'Pag na-visualize na ng ibon 'yung lugar, doon na mag-start 'yung kaya na niya 'yan," pagdedetalye ni Rick.

Umaabot umano sa halos isang daang taon ang buhay ng isang macaw parrot kapag ito ay nasa captivity kung kaya't malaki ang naitutulong ng free flight para mapahaba pa ang life span nito.

Naglalaro mula P65,000 hanggang P400,000 ang bentahan ng parrot depende sa klase nito at kapag ito ay dumaan na sa training, may dagdag pa itong P30,000.00 hanggang P50,000.00.

Kaya naman ang pag-aalaga ng parrot ay malaki ang ambag sa mga gaya ni Espiritu. Nakatutulong ang mga naibebenta niyang ibon sa pag-aalaga niya maging sa pangangailangan ng pamilya.

Para naman sa dating OFW na si Robert Querol, ang mga parrot ang nagbigay-sigla sa kaniya nang makaranas ng depresyon.

Gym instructor noon sa Abu Dhabi si Querol pero nang magka-diperensiya ang kaliwang mata nito, napilitan siyang umuwi sa Pilipinas.

"Nabigyan ko ng buhay 'yung experience ko from boredom, from depression hanggang sa ito 'yung bumalik 'yung sigla ko pati family ko kasama ko sa pag-free flight, kasama ko sa mga event," kuwento ni Querol.

Panibagong kabuhayan naman ang naiambag ng mga parrot kina Dave dela Cruz at Pong Falconitin.

Nang pumutok ang pandemya noong 2020, humina ang kani-kanilang negosyo.

Hindi basta basta ang pag-aalaga ng ibon lalo na ng mga parrot. Mahabang pasensiya at panahon ang kinakailangang ibigay sa kanila.

"Unang una kailangan nila ng time, kailangan nila ng budget para doon sa mga pagkain nila lalong lalo na kailangan nila 'yung pinakamahalaga ang grupo na sasamahan nila. Kapag hindi niyo hilig o naengganyo ko lang kayo, ang magsu-suffer ng huli 'yung mga alaga natin," ani Espiritu.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Parrot
Free Flight
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT