KBYN: ‘Finest sea salt’ ng Botolan, Zambales, nanganganib maglaho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: ‘Finest sea salt’ ng Botolan, Zambales, nanganganib maglaho

ABS-CBN News
Published May 23, 2022 07:37 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang asin ay higit pa sa pampalasa kung tatanungin ang mga taga-Botolan, Zambales. Ito ay minanang kultura pa mula sa kanilang ninuno na nagsisilbing kabuhayan ngayon ng maraming pamilya roon.

Para kay Helen Abuan, espesyal ang 'Asin sa Buy-O' na kanilang ginagawa. Aniya, ito'y puro at walang halong kemikal na umaabot sa 75% ang Iodine content. Naghahalo rin ang tamis at alat nito dahil nanggagaling ito sa lupa kung saan nagtatagpo ang tubig-tabang at tubig-dagat.

Bukod sa gamit sa pagkain, may benepisyo rin daw ito na nakakapagpagaling ng ibang mga sakit.

Idinetalye ni Abuan at kaniyang mga kasamahan ang metikulosong proseso sa paggawa ng Asin sa Buy-O.
Idinetalye ni Abuan at kaniyang mga kasamahan ang metikulosong proseso sa paggawa ng Asin sa Buy-O.
ADVERTISEMENT
"Una po, kapag hindi na naabot ng tubig 'yan ng mga dalawang araw, tatlong araw, iyon po puwede na kaming magkalaykay tapos ipunin na 'yung lupa," pagbabahagi niya sa KBYN.

Pagkatapos ay tutubigan nila ang tambak na lupa. Ang katas na tubig na naiipon sa isang tapayan ang siyang papakuluan sa apoy hanggang lumabas ang asin at saka naman nila ito ibabalot sa sasa o kung tawagin ay 'Buy-O.'

Dinarayo pa ang kanilang komunidad para lang makabili ng kanilang pinong asin. Ayon pa kay Aling Helen, may ilang dayuhan na rin ang nagkainteres sa Asin sa Buy-O.

"Hindi lang limang libo ang benta sa isang buwan kung talagang tuloy-tuloy. Malakas eh," kuwento niya.

Napag-aral naman ni Editha Morayag ang kaniyang mga anak dahil sa pagbebenta ng asin.

Ang kaso nga lang, paunti na nang paunti ang nagtutuloy sa tradisyonal na paggawa ng asin. Sinabayan pa ng hindi na paghupa ng tubig sa lugar kung saan sila nagkukupkop. Natambakan na kasi ng lupa ang daluyan ng tubig sa paligid nito.

"Hindi na natutuyo pangupkopan namin, matuyo man ng isang araw, pagdating po ng kinagabihan, kinabukasan, tubig na naman po. Dati 'yan, isang linggo hindi naaabutan ng tubig, marami kaming nakukuhang lupa dyan," kuwento ni Morayag.

Pero hangga't kaya, nais ipagpatuloy ng mga natitirang gumagawa ng Asin sa Buy-o ang pamanang kultura lalo na si Mae Abuan, anak ni Helen.

"Bilang pinakabatang gumagawa ng asin, gusto ko silang maturuan, mga bata po rito sa amin. Para sa susunod po na henerasyon, sila na po ang magpapatuloy," ani Mae.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
sea salt
Zambales
Asin sa Buy-o
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT