KBYN: Asong milyon ang halaga, may dalang suwerte sa mga amo nila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Asong milyon ang halaga, may dalang suwerte sa mga amo nila

ABS-CBN News
Published May 16, 2022 07:29 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kapag sinabing 'bully,' ang madalas na naiisip agad ng karamihan ay mga katangiang gaya ng mapanganib, agresibo at matapang.

Pero sa katunayan, sila ay malalambing at masunurin na mga alaga. Iyan ang mga asong 'bully' na bini-breed sa ngayon ng ilan.

Ang 'American Bully' ay lahi ng aso na unang naging tanyag sa bansang Amerika noong 1990’s. Ito ay nagmula sa mga crossbreed ng pit bull at English o American Bulldog.

Si Mike Guillen ay nag-aalaga lang noon ng mga 'aspin' o asong Pinoy at iba pang pangkaraniwang breed ng aso hanggang sa makita niya noong 2020 si Thor, isang American Bully.

ADVERTISEMENT
"Gusto ko talaga big dogs. Sobrang ganda nila. Puppy pa lang maganda na sila. Pagtingin ko kay Thor ay siya talaga 'yung gusto ko sa apat. Sila Thor kasi galing 'yan ng Thailand pero yung linyada nila is imported din galing Europe, kumbaga imported din sila doon. Doon sila bini-breed kaya ganyan 'yung mga itsura nila," kuwento ni Guillen sa KBYN.

Pero ang simpleng pagkahumaling niya sa ganitong lahi ng mga aso ang magbibigay pala sa kaniya ng magandang kabuhayan. Iniwan ni Guillen ang kaniyang trabaho at pinasok ang pag-breed ng aso dahil sa laki ng kita dito. Umabot raw sa P2 milyon ang kaniyang unang benta.

"Nakakatuwa di ba kapag gano'n, first time mo mag-breed tapos gano'n 'yung presyo, pandemic pa," ani Guillen.

Ganito rin ang nangyari kay Hikaru Egawa. Malaking ambag daw ang pag-breed ng aso para maitawid nila ang mga pangangailangan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Sa katunayan, rumerenta pa siya ng de-aircon na apartment para lang may komportableng masisilungan ang kaniyang pocket size American Bullies.

Stud services o pagpapalahi naman ang iniaalok ni Benjamin Cabana Jr. na may-ari rin ng ilang American Bullies. Aabot sa daang libong piso ang halaga ng kaniyang serbisyo.

"Dadalhin 'yung inahin dito tapos papakasta sila. Ako, magbibigay ako tatlong beses na kasta. 'Pag nabuo, okay na kami. 'Pag hindi nabuo, sa next season niya… bibigyan ko pa siya ulit ng 2 o 3 pang back-stud na tinatawag para maka-conceive ulit," pagdedetalye ni Cabana.

Bukod sa pumapasok na pera, nakapagbibigay pa ng kasiyahan sa mga may-ari ang mga alaga nilang aso. Ito ngayon ang ine-enjoy ni Guillen.

"Alam mo 'yun negosyo na sobrang enjoy ka pa, 'yung parang 2 in 1 na. Puwede palang hindi ka na umalis sa bahay di ba kumbaga mag-isip ka na lang ng ibang negosyo pa, hindi mo na kailangang maging empleyado," ani Guillen.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Dog
American Bully
aso
pet dog
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT