KBYN: Street food vendors nagkuwento sa mga hinaharap na hamon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Street food vendors nagkuwento sa mga hinaharap na hamon

ABS-CBN News
Published May 16, 2022 07:55 PM PHT
|
Updated May 16, 2022 08:05 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kaliwa't kanan ang mga street food sa lansangan kung kaya kapag nakaramdam ka ng gutom, tiyak na hindi ka magugutom.

Sa mga bangketa ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue sa Quezon City, madalas nakapuwesto ang ilan sa mga nagtitinda ng ganitong pagkain pati na rin mga damit. Ang ilan sa kanila, dekada na ang binilang sa pagtitinda sa lansangan.

Isa na rito si Lailani Amba. Dati raw ay karay-karay pa siya ng ina sa pagbebenta. Ngayon mga anak na niya ang kasama niya sa paghahanapbuhay sa kalsada.

Maagang umaalis ng bahay si Amba para pumunta sa kaniyang puwesto sa bangketa. Ito’y sa kabila ng matinding sikat ng araw o buhos man ng ulan. Nanghihinayang kasi siya sa dagdag kita na makukuha kung maagang magtitinda.

"Sumisilong lang ako para hindi ako mainitan, high blood tayo eh, baka tayo maatake. Naatake na 'ko dalawang beses na eh," kuwento niya sa KBYN.

Kung palamig ang tinda ni Amba, balot naman ang nilalako ng kaniyang anak na si Ronalyn.

"Kailangan ko rin sumabay sa pagtitinda para parehas kami nagkakaroon ng income. Hindi kailangan iasa namin lahat sa magulang namin. Meron na nga akong kapatid na lahat inaasa sa magulang ko eh sasama pa ko?” kuwento ng anak ni Amba.

Ang kaniyang ama naman na si Rogelio ay suma-sideline bilang barker ng taxi. Dati itong jeepney driver ngunit nang magkasakit ay kailangan nang iwan ang pagmamaneho.

"Hindi ko ikahihiya 'yan. Basta kumain kami. Alangan namang mamalimos ako. Mayroong walang-wala kung minsan… Kaya minsan, tulog na lang namin. Higpit sinturon na lang talaga. Masakit 'yun. Kaya kahit anong-ano, gagawa at gagawa ako ng paraan," sabi ng nakatatandang Amba.

Ramdam ng pamilya Amba ang paghina ng kita noong nagkaroon ng mga lockdown. At ang pinangangambahan pa nila, ngayong tapos na ang halalan, magiging masugid na naman ang awtoridad sa paghuli sa kanila. Ang masakit pa, hindi na bumabalik ang nakukumpiskang paninda nila.

Aminado naman sila na ilegal ang kanilang puwesto. Kaya naman pangarap din niyang magkaroon ng permanenteng tindahan. Pero sa ngayon, pakiusap na lang ni Rogelio, "Sana naman 'yung mga naghuhuli 'wag naman sanang hulihin 'yung mga ganito kasi kakaunting puhunan eh."

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
street food vendor
kalye
street vendor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT