KBYN: Tindero sa palengke noon, mayor na ng Dolores, Eastern Samar ngayon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Tindero sa palengke noon, mayor na ng Dolores, Eastern Samar ngayon

KBYN: Tindero sa palengke noon, mayor na ng Dolores, Eastern Samar ngayon

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Wala sa hinagap ni Rodrigo Rivera o mas kilala bilang Onoy na mauupo siya bilang alkalde ng isang bayan.

Magtatapos na kasi noon ang pasahan ng Certificate of Candidacy (COC) nang biglang pumasok sa isip niya ang tumakbo sa pagka-mayor ng Dolores, Eastern Samar.

"Nu'ng nandoon ako sa bahay, alam mo, para akong tinulak… Ang sabi ko, punta ako sa Comelec (Commission on Elections). 'Yan kumuha ako ng COC. Sabi ng taga Comelec, 'Ay salamat, may kalaban na si doktor.' 'Yan, nag-ano 'yung balahibo ko," kuwento niya sa KBYN.

Kilalang political family ang hinarap ni Onoy noong halalan. Kapatid ng kasalukuyang mayor ang nakalaban niya na isa ring doktor samantalang tindero siya ng isda sa palengke. Pero ayon sa kaniya, nanaig ang kagustuhan niyang iahon sa hirap ang mga kababayan.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko naman pinapangarap na maging mayor ako eh. Pangarap ko lang makakain lang 'yung pamilya ko sa isang araw. Makaano ng pangsuporta sa pamilya ko," paglalahad niya.

Walang makinarya si Onoy para makipagsabayan sa isang tradisyunal na kampanya. Pero ginawa niya ang lahat para maiparating sa tao ang kaniyang plataporma. Kahit sulat kamay lamang ang kaniyang campaign posters at nakamotorsiklo lang sa kaniyang motorcade, bitbit ni Onoy ang magandang kredibilidad at sinserong pakikipagkapwa-tao na tatak na niya kahit noong siya'y kapitan pa.

"Nu'ng nagkapitan siya, wala naman naipon. Lahat naman naitulong eh kahit bahay hindi kami nakagawa. Isasaing na lang namin may nanghihingi, binibigay pa," kuwento ng kaniyang asawang si Janet.

Pagdating ng araw ng halalan, pinatunayan ni Onoy na may balik ang naging tapat niyang paglilingkod noon. Sa higit limang daang botong lamang, nanalo siya bilang susunod na punong-bayan ng Dolores.

23052022 HALALAN 2022 DOLORES EASTERN SAMAR RESULTS.png

Hangad niya sa kaniyang termino ay maramdaman ng tao ang totoong serbisyo mula sa gobyerno.

"Dito marami ang itatama, maraming mali na ginawa nila. At ngayon gagawin ko para sa lahat ikakabuti ng bayan. Marami pang idadagdag para gumanda ang bayan namin," ani Onoy.

RELATED

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.