KBYN: Malalaking pagong at 'di pangkaraniwang reptile sa isang farm sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Malalaking pagong at 'di pangkaraniwang reptile sa isang farm sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2022 12:06 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Popular sa isang farm sa Pandi, Bulacan ang mga naglalakihang mga pagong at iba't ibang klase ng reptile.

Binuo ng negosyanteng si Jaime Lim ang Congo Charlie Exotic Reptile Jungle kung saan nag-aalaga at nagbi-breed sila ng mga hayop.

Ayon kay Lim, bata pa lang siya ay mahilig na siya sa mga hayop. Natutuwa umano siya pag nakikitang napipisa ang mga itlog ng bibi at manok na inaalagaan niya.

"Pag napisa sila tuwang tuwa ako... It's my dream to own a farm and when I was reaching 60 years old I was thinking of putting up a farm so I can enjoy my retirement," kuwento ni Lim sa KBYN.

Bida sa farm ni Lim ang dalawang klase ng malalaking pagong, ang sulcata at aldabra.

Isang desert tortoise ang sulcata na nanggaling pa sa bansang Africa.

Itinuturing namang isa sa pinakamalaking pagong sa buong mundo ang aldabra tortoise na mula pa sa bansang Seychelles.

Mula sa iilang pares, naparami niya ito sa pamamagitan ng breeding.

"Breeding is my passion. Kapag nakapagbreed ako maski na cheap turtle or anything even maliliit na bagay lang diyan basta may naproduce, masaya na ako. When it comes to reptile breeding we're the biggest in the Philippines," ani Lim.

Makikita rin sa Congo Charlie Exotic Reptile Jungle ang mga iguana at crocodile monitor lizard, ikalawang pinakamalaking lizard sa buong mundo.

Mayroon din silang inaalagaang mga sawa gaya ng reticulated python, burmese at albino.

Hindi basta basta ang pag-aalaga sa mga ganitong klase ng hayop.

Ayon sa veterinarian na si Dr. Shon Ortiz, kinakailangan silang bigyan ng ibayong pasensya at pang-unawa.

"Kailangan niyong malaman po 'yung behavior. Kailangan hindi basta bastang kukunin sila. More on, alamin natin kung paano basahin 'yung mood nila, kung sila ba ay willing magpahawak, sila ba ay willing na mafeel 'yung touch ng isang tao or sila ba ay ayaw nila, mas gusto nila na mapag-isa sila muna," ani Ortiz.

RELATED LINKS:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT