KBYN: Mga patapong gulay, muling naibebenta ng 'pulot' vendors sa Divisoria | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

KBYN: Mga patapong gulay, muling naibebenta ng 'pulot' vendors sa Divisoria

KBYN: Mga patapong gulay, muling naibebenta ng 'pulot' vendors sa Divisoria

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Muling naibebenta sa Divisoria ang mga nahulog o itinapong gulay ng mga tindero sa lugar.

Ito ang kabuhayan ng mga tinaguriang 'pulot' vendor doon. Pinipili nila ang mga gulay, nililinis at tsaka pumupuwesto sa bangketa para ito'y maibenta sa murang halaga.

Batikan nang maituturing pagdating sa pamumulot si Christina 'Kite' Navarro. Tatlong dekada na niya itong kabuhayan.

"Minsan madaling araw mangunguha na ako tapos iipunin ko po 'yung pinanguha ko kasi para malaki ang kita ko. Hihintayin naming ilabas 'yung mga kamatis na tinatapon, pinilian nila. Nasa ano 'yun, balde. 'Pag natapon na nila nilagay nila sa sako, tsaka po kami nangunguha, nagunguha po ng gulay, kamatis po, kung ano-ano," kuwento ni Navarro.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng kaniyang edad at kalagayan ng kalusugan, tinatiyaga ni Navarro ang kainitan ng araw para lamang may maiuwing pangkain ng pamilya.

"Ngayon po edad ko na po ay 52. Tumatanda na ako po. Talagang ito lang po ang alam kong hanapbuhay. Kung hindi ko naman po titiisin 'yun wala po akong panggastos," ani Navarro.

Dating snatcher naman noon sa Divisoria si Allan 'Nog-nog' Martinez. Ilang taon rin niya itong ginagawa bago siya nagdesisyong magbagong-buhay.

"Nag-i-isnatch ako, nagtatambay lang ako diyan. Marami kami dito. Ako na 'yung pinakamatanda. Tatambay kami diyan. 'Pag may tatawid na mga may kuwintas, may hikaw, binabanatan ko doon eh. Ini-isnatch ko doon sa gitna," pagdedetalye ni Martinez.

Pero dahil sa napapabalitang pagpatay diumano sa mga gaya niyang snatcher sa lugar, doon niya naisipang umalis sa maling gawain at humanap ng maayos na kabuhayan.

Sa pamamagitan ng pamumulot, naitataguyod ngayon ni Navarro ang pangangailangan ng pamilya lalo na ng kaniyang dalawang anak.

"Napag-aral ko nga eh, dahil sa kamatis, sa sibuyas, sa pamumulot," pagmamalaki ni Martinez.

Sa likod ng pisikal na dumi ng pamumulot, isa itong malinis at marangal na kabuhayan para kina Navarro at Martinez na nagdadala ng pagkain at pag-asa sa kanilang pamilya.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.