KBYN: Bakit mahal ang bentahan ng eel o igat sa merkado? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Bakit mahal ang bentahan ng eel o igat sa merkado?

ABS-CBN News
Published Aug 21, 2022 09:37 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inaangkat ng mga bansang China, Japan, South Korea at Taiwan sa ating bansa ang isdang eel o igat na itinuturing itong delicacy kung kaya't mahal ang presyuhan nito sa merkado.

Dito nakumbinsi ang mag-asawang Arnel at Lizette Alfaro na i-negosyo ito sa Pagsanjan, Laguna.

"Unang-una, meron ding banyaga na nagsabi sa akin na kung sakaling mag-alaga ako ng eel, siya na din ang kukuha ng mga alaga ko. Kaya ang pag-aalaga na ‘yan, ‘wag mong papasukin kung wala kang alam na pagdadalhan o pagbabagsakan kasi mahirap, kasi may kalakihan siya na puhunan. Hindi basta-basta," kuwento ni Ginoong Alfaro sa KBYN.

Mayroon limang species ng eel o igat ang matatagpuan sa Pilipinas.
Mayroon limang species ng eel o igat ang matatagpuan sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Isang uri ito ng isda na kahugis ng ahas at may scientific name na Anguilliformes na ang ibig sabihin ay snake-like form.

Kahit pa sa atin nanggagaling ang semilya nito, bibihira lang ang nag-aalaga ng igat ngayon kaya malaki ang demand nito sa merkado, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Matatagpuan ang mga eel sa lahat ng anyo ng tubig, sa alat man o sa tabang.

At nito ngang mga nakaraang dekada, natututunan nang palakihin ito sa mga tangke tulad na lamang sa farm ng mag-asawa.

"Sa ngayon ang alaga ko is 90,000 pieces. Maliit pa lang ‘yung building ko siguro nasa 2,500 sqm," ani Ginoong Alfaro.

Bagamat maselan at may katagalan sa pagku-culture ng eel, sigurado naman daw ang kita at walang kalugi-lugi.

"Meron namang mga market, meron namang mga buyer na willing naman na bumili kaya lang ayaw pa naming i-out kasi mas gusto namin mas malaki dahil syempre mas malaki ang income," ani Ginang Alfaro.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Negosyo
Business
Aquaculture
Eel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT