Patrol ng Pilipino: 6 taon matapos ang Marawi siege, mga residente ng ground zero may hiling sa gobyerno | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: 6 taon matapos ang Marawi siege, mga residente ng ground zero may hiling sa gobyerno

ABS-CBN News
Published Oct 17, 2023 11:17 PM PHT

MAYNILA – Makalipas ang anim na taon matapos magwakas ang labanan sa Marawi City, patuloy pa ring bumabangon ang mga apektadong residente mula sa mga epekto ng giyera sa kanila.

Marami pa rin ang walang permanenteng tirahan at nananatili pa sa nilikasang lugar gaya ng Pamagalatan shelter sa bayan ng Saguiaran.

Pero ayon sa mga naninirahan sa shelter, kahit walang maayos na supply ng tubig at kulang ang kanilang mga kagamitan, nasa mas mabuti silang kalagayan ngayon kumpara sa sitwasyon nila noong 2017.

Hiling nila sa gobyerno ang alalay sa iba pa nilang pangangailangan, pati ang ilang pangmatagalang solusyon gaya ng trabaho at alagang medikal.

Ayon sa Marawi Compensation Board, kinakailangan nila ng P50 billion para mabigyan lahat ng apektadong residente ng Marawi Siege.

Nagsimula na ang pagproseso ng claims noong July 4 at umabot na sa 23,000 ang nais tumanggap nito.

– Ulat ni Job Manahan, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol ng Pilipino
Job Manahan
Marawi
ground zero
giyera
Marawi siege
Maranao
Marawi City
Lanao del Sur
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT