Patrol ng Pilipino: Bakit kinatigan ng Korte Suprema ang Taguig sa isyu ng mga EMBO? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Bakit kinatigan ng Korte Suprema ang Taguig sa isyu ng mga EMBO?

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2023 10:58 PM PHT

MAYNILA - Matagal nang nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Makati ang mga tinatawag na EMBO o enlisted men’s barrios, gayundin ang Fort Bonifacio.

Pero noong Setyembre 2022, kinatigan ng Korte Suprema ang Taguig sa inilabas nitong ruling kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo ng lungsod laban sa Makati.

Ginamit na ebidensya ng Taguig ang PSU-2031 Survey Plan, isang mapang ipinagawa ng US government noong 1909.

Kumpara sa sketch map na ipinagawa ng Makati sa sarili nitong eksperto, mas matimbang ang ebidensya ng Taguig, ayon sa Korte.

Ayon kay Supreme Court Administrator Raul Villanueva, kailangan munang kumuha ng “writ of execution” ang Taguig para maipatupad ang nasabing ruling.

Sa kabila nito, pumayag na ang Commission on Elections (Comelec) na ilipat na sa Taguig ang mga nasabing EMBO para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

–Ulat ni Mike Navallo, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol ng Pilipino
Mike Navallo
Taguig
Makati
Supreme Court
ruling
EMBO
BGC
Fort Bonifacio
territorial dispute
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT