FACT CHECK: Peke ang YouTube channel na gumagamit ng pangalang 'Luke Espiritu' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Peke ang YouTube channel na gumagamit ng pangalang 'Luke Espiritu'

ABS-CBN Investigative & Research Group
Published Mar 10, 2022 05:42 PM PHT

Isang impostor o pekeng account ang YouTube channel na gumagamit ng pangalang “Luke Espiritu” at ng litrato ni senatorial candidate Atty. Luke Espiritu.

Sa pahayag na ipinadala sa ABS-CBN News ni Espiritu, itinanggi niyang pag-aari niya ang nasabing YouTube Channel.

“Fake news ito. Nananawagan ako sa lahat na i-report ang lahat ng posts na may ganitong laman. Wala po akong official Youtube page,” ayon kay Espiritu.

Noong Marso 5 ay nag-iwan ng isang comment ang nasabing pekeng YouTube account na nagbabanta sa isang YouTube vlogger:

“Kristy recruit kita sa HALALAN. Ikaw lang pag asa namin para sa Bulacan Area. Suot mo lang yung Pink Tshirt ni Leni para bukas. March 5, 2022, or else sisirain pa namin yang kotse mo” (sic)

“Desperado na ang kalaban. Gumagawa ng kung ano-anong isyu para sirain ang ating kampanya. Hindi sila mananaig,” sabi ni Espiritu, na tumatakbo para sa halalan sa Mayo sa ilalim ng partido ni presidential candidate Ka Leody De Guzman.

Ginawa ang pekeng YouTube account noon lamang Marso 3, isang araw matapos lumahok si Espiritu sa “SMNI Senatorial Debate 2022.” Mayroon lamang itong 1 subscriber sa ngayon.

Paalala ni Espiritu, nasa Facebook at Twitter lamang ang kaniyang mga tunay na social media accounts.

Marami na rin ang mga pekeng social media account na gumagaya sa mga kilalang personalidad at sa mga lehitimong media. Ilan sa mga ito ay na-fact check na rin ng ABS-CBN.

PAANO NGA BA MALALAMAN KUNG TUNAY ANG YOUTUBE ACCOUNT NG ISANG KILALANG PERSONALIDAD?

Narito ang ilang tips para malaman kung lehitimo ang isang YouTube account.

1. Tignan kung verified ang YouTube account.
Makikita ang isang verified badge na korteng check sa tabi ng pangalan ng YouTube account. Karamihan sa mga kilalang personalidad ay verified ang account. Ibig sabihin nito, nasuri nang mabuti ang nasabing account.

2. Tignan ang dami ng subscriber ng isang YouTube account.
Kadalasang marami ang subscriber ng YouTube account ng mga institusyon, ahensiya, politiko at mga celebrity. Magduda kung wala o kakaunti lamang ang subscriber ng isang account.

3. Suriin ang “ABOUT” tab ng isang YouTube account.
Makikita rito kung kailan ginawa ang YouTube account at iba pang mahahalagang impormasyon, tulad ng email address at link sa iba’t ibang verified social media accounts. Magduda kung bagong gawa ang isang Facebook page ng isang ahensiya, institusyon, politiko o celebrity.

– with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
Read More:
Luke Espiritu
Ka Leody
Partido Lakas ng Masa
Halalan 2022
SMNI Senatorial Debate
YouTube
Fact Check
fact checking
disinformation
misinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT