Pagpupugay bumuhos para kay Hidilyn Diaz matapos ang historic Olympic gold win | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpupugay bumuhos para kay Hidilyn Diaz matapos ang historic Olympic gold win

Pagpupugay bumuhos para kay Hidilyn Diaz matapos ang historic Olympic gold win

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2021 07:43 PM PHT

Clipboard

Nagbunyi ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos makuha ang ginto sa Tokyo Olympics. Sa paligsahan nakamit ni Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas. Edgard Garrido, Reuters

MAYNILA (UPDATE) -- Ipinagbunyi ng mga Pilipino ang pagkapanalo ng weightlifter na si Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics sa Japan Lunes ng gabi.

Nakamit ng Zamboanga native ang ginto matapos talunin ang 8 ibang atleta para sa kategorya, kabilang ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China.

Mula nang makamit ang gintong medalya hanggang noong hapon ng Martes ay nag-trending ang pangalan ni Diaz, at naungusan pa nito ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At hanggang ngayon, nagpapatuloy ang pagbuhos ng pagbati sa weightlifter.

ADVERTISEMENT

Bumuhos ang papuri ng mga atletang Pinoy gaya nina Olympian boxer Eumir Marcial, NLEX guard Kiefer Ravena, Barangay Ginebra coach Tim Cone at Filipina skateboarder Margielyn Didal.

Ang Bayan Patroller na si Joseph Emmanuel Comedian ng Puerto Princesa, digital artwork ang alay kay Hidilyn.

Leaf art naman ang alay ni Bayan Patroller MM Dacanay ng Biñan, Laguna.

Fashion art illustration ang ginawa ni Edgian James Calapardo ng Janiuay, Iloilo bilang pasasalamat kay Hidilyn na gawa sa cutouts ng plastic ng noodles at bottle caps.

May nagpaabot ng kanilang pagsaludo sa sining.

ADVERTISEMENT

Gamit ang tinapay, chocolate, at hazelnut spread at toothpick, inukit ni Jaypee Bacera Magno ang imahe ni Hidilyn.

Ayon kay Magno, bilib siya sa ipinakitang lakas at tapang para makamit ang gintong medalya sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng weightlifter.

SHOUTOUT KAY HIDILYN

Naging mainit din ang pagbati ng mga artista kay Diaz, kabilang sina Anne Curtis na naiyak sa tagumpay ng weightlifter. Bumati rin sina Vilma Santos, Karla Estrada, Amy Perez, at John Arcilla.

Ayon naman kay Angel Locsin, sana makapagpa-picture silang muli ni Hidilyn na huli niyang nakasama nang manalo ito sa Rio Olympics.

Lalong napukaw ang damdamin ng mga Pinoy nang itugtog sa unang pagkakataon sa entablado ng Olympics ang "Lupang Hinirang."

ADVERTISEMENT

Proud naman si Lea Salonga sa emosyonal na sandali ni Hidilyn nang patugtugin ang Lupang Hinirang sa Olympics para ipagdiwang ang kaniyang gold finish.

Ang Philippine Air Force kung saan naging sargeant si Diaz, kabilang sa nagbubunyi.

"The men and women of the Philippine Air Force join the country in celebrating this historic event. Sgt. Diaz truly personifies Diwa, Galing at Malasakit of the airmen and airwomen. Congratulations and mabuhay, Sgt. Diaz!"

Ipinagmamalaki rin si Diaz ng kaniyang mga kababayan sa Zamboanga, kung saan pinapurihan siya ni 2nd District Rep. Mannix Dalipe.

"Enhorabuena to our constituent and now Olympic gold medalist Hidilyn Diaz for bringing pride and glory not just to the city of Zamboanga, but to the whole country," ani Dalipe.

ADVERTISEMENT

Binati rin ng Philippine Sports Commission si Diaz na tinawag nilang isang Filipino sports icon.

Nagpaabot din ng pagbati si Bise President Leni Robredo kay Diaz.

Sa kaniyang social media account, tinawag ni Robredo na malaking pagkapanalo sa bansa ang panalo ni Diaz. Nagpasalamat din siya sa weightlifter sa karangalang dinala sa mga Pinoy.

Nagpasalamat din ang Palasyo kay Diaz sa karangalang dala nito sa bansa.

"The Palace congratulates Hidilyn Diaz for bringing pride and glory to the Philippines for winning the country's first-ever Olympic gold medal (weightlifting women's 55kg)," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

MGA MALALAPIT SA BUHAY

Kasama na sa mga nagbubunyi ang kaniyang mga mahal sa buhay -- partikular na ang kaniyang ina na si Emelita.

Tila panaginip pa rin aniya ang nakamit ng anak, na hindi niya pa nakikita nang higit 1 taon dahil sa puspusang pag-eensayo ng weightlifter sa ibang bansa.

"Sabi ni Hidi, 'maraming maraming salamat Mang...' Nagdasal kami para sa kanya. 'Thank you Mang,' kay dahil daw sa dasal...
kung hindi dahil sa dasal hindi siya manalo," ani Emelita.

Nag-uumapaw aniya ang kaniyang kasiyahan sa nakamit na tagumpay ni Hidilyn.

Wala pang sinasabi si Hidilyn kung kailan ito uuwi ng Pilipinas pero plano niya na hindi na lumuwas ng Maynila at hintayin na lang ang pag-uwi ng anak sa kanilang bahay sa Zamboanga.

ADVERTISEMENT

Kasama sa matatanggap ni Diaz sa pagkapanalo ang P33 milyong cash incentive na halong galing sa pribado at pampublikong sektor.

NAISIP NA SUMUKO, PERO MAGPAPATULOY

Kasabay ng tagumpay, ay aminado ang kampo ni Diaz na naisip din nito na mag-quit sa pangarap na medalya sa Olympics.

Kuwento sa Teleradyo ng pinsan at unang coach na si Catalino "Catz" Diaz na matindi ang naging depression ng weightlifter bago ang 2016 Rio Olympics, kung saan nakuha ni Diaz ang silver medal.

Kalaban umano noon ni Diaz ang depression dala ng kaniyang injury, pagkawala ng coach, at kawalan ng suporta.

Kung hindi umano siya mananalo ng medalya noon ay bibitawan niya ang weightlifting.

ADVERTISEMENT

Pero ngayon, walang paglalagyan ng saya at pride ang coach matapos makuha ni Diaz ang Olympic gold.

Hindi siya nakatulog sa laki ng panalo ni Hidilyn dahil alam niya ang dami ng mga sakripisyo nito.

Aminado si Diaz na kahit sa training ay hindi niya nagagawa ang pagbuhat sa 127 kilograms, kaya ang nakita ng mundo noong Lunes ay ang unang matagumpay niyang tangka sa 127-kilogram na clean and jerk.

Kinumpirma ni Diaz na itutuloy niya ang kaniyang weightlifing career lalo't kaya pa naman niya.

"Hindi ako mag-stop dahil kaya ko pa. Nakita ko ang galing ko, at alam ko na may ibibigay pa ako para sa Pilipinas," ani Diaz.

ADVERTISEMENT

Tututok na aniya siya ngayon sa pag-eensayo at paghahanda para sa Southeast Asian Games at World Championship.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.