FACT CHECK: ‘Di totoo ang TV Patrol report tungkol sa pre-election survey ng Pulse Asia | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoo ang TV Patrol report tungkol sa pre-election survey ng Pulse Asia

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jun 28, 2024 05:14 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:25 PM PHT

Hindi totoo ang diumano’y TV Patrol news report na nagsasabing nangunguna si Senator Robin Padilla sa isang pre-election survey ng Pulse Asia para sa pagkapangulo sa halalan sa 2028.

Ang nasabing video ay lumabas sa social media platform na Tiktok. Ipinakita rito ang manipuladong boses ni ABS-CBN reporter RG Cruz upang magmukhang iba ang kanyang sinasabi. Pinagputol-putol din ang report ni Cruz.

Sa orihinal na bersyon ng report ni Cruz na ginamit sa manipuladong video, sina Senator Raffy Tulfo at Bise Presidente Sara Duterte ang nangunguna sa pre-election survey ng Pulse Asia. Isinagawa ang nasabing survey mula Marso 6 hanggang 10 ngayong taon at inireport ni Cruz noong Abril 3.

Nakalapat sa itaas ng manipuladong video ang tekstong “June 23, 2024” na ipinagmumukhang inilabas ang report noong araw na iyon. Sa ibaba ng manipuladong video ay nakalapat naman ang social media handle na “@ABSCBNnews” at ang website ng ABS-CBN na https://news.abs-cbn.com/. Ang orihinal na video ay nilapatan din ng isang imahe ng mukha ni Padilla sa tabi ni ABS-CBN anchor Henry Omaga-Diaz.

Minanipula rin ang orihinal na video upang magmukhang pangalan ni Padilla ang nasa itaas ng listahan ng mga posibleng kandidato sa pagkapangulo. Ang petsa kung kailan isinagawa ang Pulse Asia survey ay binago rin sa Hunyo 18-22, 2024.

Bukod dito, ang mga video ni Tulfo na ginamit sa orihinal na report ay pinalitan ng mga video ni Padilla.

Sa opisyal na Facebook page ni Julio Teehankee, isang political analyst na nakapanayam ni Cruz sa kanyang orihinal na report, binalaan niya ang publiko tungkol sa nasabing manipuladong video.

“It is a chilling preview of how AI (artificial intelligence) will be used in Philippine elections,” ayon kay Teehankee.

Hindi ito ang unang beses na minanipula ang mga news report ng ABS-CBN upang magmukhang iba ang sinasabi.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa mga lehitimong website ng ABS-CBN News at mga lehitimong social media accounts tulad ng YouTube, Facebook, X (Twitter), at Instagram.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
Robin Padilla
pre-election survey
Pulse Asia
2028 elections
Henry Omaga-Diaz
RG Cruz
TV Patrol
TV Patrol fake report
ABS-CBN website
ABS-CBN fake website
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT