FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa gamot sa high blood | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa gamot sa high blood

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published May 03, 2024 02:54 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:20 PM PHT

Hindi totoo at manipulado ang news report ni ABS-CBN anchor Alvin Elchico tungkol sa isang produkto na diumano’y nakapagpapabalik ng blood pressure sa normal at nakapagpapagaling ng hypertension.

Sa video na iniupload ng Facebook page na “Sport system,” makikitang ginamit ang isang TV Patrol news report ni Elchico upang magmukhang isang report na nagrerekomenda ng hindi pinangalanang produkto. Nilapatan din ang manipuladong video ng logo ng ABS-CBN at GMA News TV.

Kapansin-pansin na mali ang ilang mga salita at hindi tugma ang buka ng bibig sa sinasabi sa manipuladong video.

Maliban sa pagpapahupa ng blood pressure at pagpapagaling ng hypertension, sinabi rin sa video na ang naturang produkto ay nakapasa sa mga “pagsubok.” Maririnig pa ang boses ni Elchico na nagsasabing, “Nakapanayam namin ang sikat na doktor na si Willie Ong at kinumpirma niya na ang remediyo na ito ay hindi peke.”

Sa isang pahayag na ipinadala ni Elchico sa ABS-CBN Fact Check, sinabi niyang nakapanayam niya ang cardiologist na si Ong para sa noo’y current affairs program na “Salamat Dok.” Ngunit mariin niyang itinangging nakapanayam niya ang doktor para sa isang news report.

“Yes. I had interviewed Doc Willy a lot of times for the now-defunct Salamat Dok but never for a news story for any of our news programs and certainly not for any hypertension drug,” ayon kay Elchico.

Kung pipindutin ang “LEARN MORE” sa post ay mapupunta ang user sa isang health and wellness website na nasa wikang Español. Wala rin ang gamot na inilalarawan sa video sa naturang website.

Para kay Elchico kailangan pang maturuan ang mga tao na kumilatis ng mga materyal na ginamitan ng deepfake technology. Ang deepfake ay mga manipulado o ginawang audio, video, at larawan gamit ang artificial intelligence o AI.

“We need to teach people how to spot posts using deepfake technology. Despite numerous attempts to debunk these stories, a number of netizens still fall for these duplicitous ads. The key is education and counter-information in the vulnerable sector like the elderly, non-techies, and even professionals like teachers and ordinary workers,” aniya.

Ilang beses na ring na-fact check ang ilang pekeng video ng mga anchor at reporter ng ABS-CBN na pinagmumukhang nageendorso o nagrereport ng mga produkto.

Ugaliing suriin ang mga impormasyong nakikita sa internet at siguraduhing lehitimong website at social media pages ng ABS-CBN News ang pinanggagalingan ng balita.

- with research from CJ Argallon, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging apps, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
Alvin Elchico
TV Patrol
Willie Ong
fake video
deep fake
hypertension
heypertension cure
misinformation
disinformation