FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa bagong gamot sa diabetes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang report ang ABS-CBN tungkol sa bagong gamot sa diabetes

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Feb 15, 2024 02:32 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:26 PM PHT

Hindi totoo at manipulado ang diumano’y news report ni ABS-CBN anchor Noli “Kabayan” de Castro tungkol sa bagong gamot na makapagpapagaling sa sakit na diabetes na gawa umano ni Doc Willie Ong.

Inalerto ng Agence France-Presse Fact Check ang ABS-CBN tungkol sa nasabing news report na kumakalat sa Facebook.

Sa dalawang magkaibang video, ginamit ang mga news report ni de Castro at pinagmukhang lehitimong balita ng TV Patrol. Inilapat din ang mga teksto na tugma sa sinasabi diumano ni de Castro.

Ang unang video, na ini-upload ng Facebook page na “Morgan Gavyn,” ay kinuha mula sa orihinal na report ng TV Patrol na ipinalabas noong Setyembre 4, 2023. Kapansin-pansin na hindi tugma ang buka ng bibig ni de Castro sa pekeng video.

Maririnig sa minanipulang video si de Castro na sinasabing, “Isang kapsula bawat araw at ang antas ay bumabalik sa normal. Lumikha ang isang doktor sa Pilipinas ng paraan upang maibalik ang kalusugan ng mga diabetiko sa loob ng isang kurso lamang.”

Ipinakita rin nang bahagya sa video ang larawan ni Doc Willie Ong.

Ayon pa sa pekeng video, mahigit 3,000 Pilipino na ang naging malusog dahil sa gamot. Pero hindi ito tugma sa tekstong nakalapat sa video na nagsasabing “30,000.”

Samantala, ang manipuladong video na ini-upload ng Facebook page na “Trendz Story” ay kinuha mula sa orihinal na report ng TV Patrol na ipinalabas noong Nobyembre 27, 2023.

Sa pekeng video, maririnig na sinabi diumano ni de Castro na isang Pilipinong endokrinologo ang naglunsad ng programa na “Pilipinas Walang Diyabetis.” Ang programa ay mayroon umanong subsidiyang mahigit P1 bilyon.

Kung pipindutin ang LEARN MORE sa post ay mapupunta ang user sa isang artikulo na may pamagat na “Ang Metformin ay hindi solusyon para sa mga diabetic!” Ginamit dito ang logo at header ng ABS-CBN. Makikita rin dito ang pangalan ng diumano’y writer ng ABS-CBN na si Eliana Villaroman.

Pero ang totoo, peke ang nasabing artikulo at walang writer o reporter ang ABS-CBN na mayroong pangalang Eliana Villaroman.

“We do not have a journalist named Eliana Villaroman. These videos have been manipulated. An ABS-CBN News item was distorted to make it appear we reported about a certain product; we did not,” ayon kay Arlene Burgos, ang head of engagement and partnerships ng ABS-CBN News Digital.

Sa artikulo, makikita ang diumano’y pahayag ni Doc Willie Ong tungkol sa gamot na metformin. Kapansin-pansin na ipinakilala si Ong bilang isang endocrinologist. Pero ang totoo, si Ong ay isang internist at cardiologist.

Mababasa sa pekeng artikulo na sinasabing hindi nakatutulong ang metformin kundi nakadadagdag pa ng karamdaman at nagiging dahilan ng pagkamatay.

Ang metformin ay kilalang gamot na ginagamit ng mga pasyenteng mayroong type 2 diabetes na nakatutulong magpababa ng blood sugar level. Ito ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Kapag sinuring mabuti ang pekeng artikulo, makikita ang order form ng gamot na “GlucoCalm.” Ang nasabing gamot ay diumano’y nakapagpapababa ng timbang na malaking tulong sa mga taong may diyabetis. Ilan pa sa mga sinabing gamit ay ang gamot sa pagkabaog; pagganda ng kondisyon ng balat, buto, at muscles; at muling paglinaw ng paningin.

Pero ang gamot na GlucoCalm ay wala sa listahan ng mga aprubadong gamot ng FDA.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa mga lehitimong website ng ABS-CBN News at mga lehitimong social media accounts nito tulad ng YouTube, Facebook, X (Twitter), at Instagram.

Read More:
Noli de Castro
kabayan
TV Patrol
Willie Ong
FDA
Food and Drug Administration
ABS-CBN website
ABS-CBN fake website
diabetes
diabetes cure
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT