FACT CHECK: Walang report ang ANC tungkol sa produktong nakapagpapagaling ng hypertension | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang report ang ANC tungkol sa produktong nakapagpapagaling ng hypertension

FACT CHECK: Walang report ang ANC tungkol sa produktong nakapagpapagaling ng hypertension

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:31 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK: Walang report ang ANC tungkol sa produktong nakapagpapagaling ng hypertension

Hindi totoo at manipulado ang video ng isang news report ni ABS-CBN News Channel (ANC) anchor Rica Lazo tungkol sa isang produktong nakapagpapagaling diumano ng hypertension at mga sintomas nito tulad ng sakit ng ulo, high blood, pagkahilo, at marami pang iba.

Sa manipuladong video na iniupload sa Facebook page na “Seduka,” makikita si Lazo sa karaniwang studio ng programang “Dateline Philippines” ng ANC. Maririnig si Lazo na sinasabing; “All you need to do in order to cure hypertension is to clean the blood vessels. At the moment, such drugs are only available on the internet because it’s more profitable for pharmacies to endlessly sell you pills to reduce blood pressure...”

Sa manipuladong video, inilapat at ginamit ang boses ni Lazo upang palabasin na siya ang nagsasalita at nagrerekomenda ng hindi tinukoy na produktong nakagagamot umano ng hypertension. Mapapansin din na hindi tugma ang buka ng kanyang bibig sa kanyang sinasabi. 

Sa isang pahayag na ipinost sa kanyang opisyal na Facebook account, sinabi ni Lazo na ang video ay deepfake at wala siyang inirerekomendang anumang produkto laban sa hypertension.

“There is not, in any way, any version of me endorsing anything. So, if you come stumble across that video, this specific video, please do not mind it. That is not me, that is in no way an endorsement, and that is a deep fake AI video,” aniya.

Maririnig pa sa manipuladong video si Lazo na hinihikayat ang mga manonood na pindutin ang “LEARN MORE” button sa post upang bilhin at malaman ang sinasabing gamot. Pero kung pipindutin ito maididirekta ang user sa isang hindi berepikadong website na ginagaya ang disensyo ng isang consultation platform na “SeriousMD.”

Sa website, makikita ang isang form na nanghihingi ng personal na impormasyon ng isang user tulad ng pangalan, email, at cellphone number. Hindi pa rin pinangalanan sa website ang tinutukoy na gamot na sinasabing mabisa laban sa hypertension. 

FACT CHECK: Walang report ang ANC tungkol sa produktong nakapagpapagaling ng hypertension

Hindi ito ang unang beses na na-factcheck ang mga manipuladong video na ginagamit ang mga reporter at anchor ng ABS-CBN upang mag-endorso ng mga produkto laban sa iba’t ibang sakit. 

Ipinost ang video sa Facebook page noong Abril 30, 2024 at hindi pa binubura sa social media site. Sa kasalukuyan, ang naturang video ay mayroong 66,000 views. 

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa mga lehitimong website ng  ABS-CBN News at mga lehitimong social media accounts nito.

—with research from Larry Chavez, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.