FACT CHECK: Walang aprubadong aparato para mapababa ang konsumo ng kuryente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang aprubadong aparato para mapababa ang konsumo ng kuryente

FACT CHECK: Walang aprubadong aparato para mapababa ang konsumo ng kuryente

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:26 PM PHT

Clipboard

Walang aparato na makatutulong sa pagtitipid ng konsumo ng kuryente na aprubado ng Meralco at Department of Energy (DOE), taliwas ito sa post sa social media.

Ang post ng Facebook page na “Sonic Saver Store Ph” ay nagbebenta ng isang energy-saving device na nakapagpapababa diumano ng hanggang kalahati ng konsumo ng kuryente ng mga appliance. Ang post ay may caption na “Bawas gastos, dagdag savings! Gamitin ang aming Energy Power Saving Device para mas matipid at eco-friendly na buhay.”

Kalakip ng post ang isang video na pinagtagpi-tagpi ang iba’t ibang bahagi ng mga lumang news report upang magmukhang nag-uulat ang mga ito sa pagiging epektibo ng naturang aparato.

Ginamit sa video ang pinagputol-putol na panayam ng media sa Meralco upang palabasin na tila pabor ang mga awtoridad sa nasabing produkto.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga ginamit ay ang video clip ng ulat ni ABS-CBN reporter Alvin Elchico para sa TV Patrol. Ito ay ipinalabas noong Hulyo 9, 2019 at may pamagat na “Meralco nagbabala kontra energy-saving devices.” 

 Nasuri na ng ABS-CBN Fact Check noong 2022 ang kaparehong video na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga energy-saving device. Ginamit din noon ang video clip ng ulat ni Elchico. Sa naunang pagsusuri, hinimay ng ABS-CBN Fact Check kung paano minanipula ang mga news report.

Sa ngayon, burado na ang edited video na ipinost ng “Sonic Saver Store Ph.”

Kalakip din ng Facebook post ang isang link sa tila opisyal na website ng Meralco kung saan maaari umanong mabili ang naturang produkto, kasama ang mga promo at bundle nito.

Ang pekeng website ay may pangalang “Meralco Official Store,” at gamit ang logo ng Meralco. Ang lehitimong website ng Meralco ay may URL na https://company.meralco.com.ph/meralco-online.

 

Ilang beses nang pinabulaanan ng pamunuan ng Meralco at DOE ang mga maling impormasyon tungkol sa mga energy saving device.

Sa katunayan, sa lehitimong ulat ni Elchico noong 2019, nagbabala ang Meralco kontra sa mga nasabing aparato. Naglabas din sila ng mga paalala sa social media tungkol dito.

“Sa halip na makatipid, maaari pang madagdagan hanggang P30 ang inyong bill dahil kumokonsumo rin ito ng kuryente,” sabi ng Meralco.


Noong 2022, naglabas ang DOE ng isang advisory na nagsasabing wala pang energy-saving device ang naiimbento na kayang magpababa ng kuryente.

“Please be informed that the video is intentionally spliced and edited to deceive our energy consumers and promote their personal interests,” sabi ng DOE.

Dagdag ng DOE, maaaring bawasan ang paggamit ng ilaw, telebisyon, aircon, at iba pang appliance upang makatipid sa konsumo ng kuryente.

Pinapaalalahanan din ng ahensiya ang publiko na ipagbigay-alam kaagad sa kanilang tanggapan ang mga maling impormasyong nakikita sa social media.

“The DOE always advise consumers to be vigilant and report these unscrupulous practices thru its Consumer Welfare and Promotion Office’s official contact information: Email: cwpo@doe.gov.ph, Telephone Number: 8840-2267 / 8479-2900 loc. 329.”

- with reporting from Bayan Mo, Ipatrol Mo (BMPM).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.