Modus na basag-kotse sa Lipa City ikinababahala ng mga residente | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Modus na basag-kotse sa Lipa City ikinababahala ng mga residente

ABS-CBN News
Published Nov 25, 2021 04:58 AM PHT

LIPA CITY—Nababahala ang mga residente ng lungsod na ito dahil sa nauusong modus na pambabasag ng salamin ng mga kotse.

Abala sa pag-aasikaso ng mga kumakaing customer sa pinagtatrabahuhang steakhouse ang 18-anyos na si Angelo Guce Martes ng gabi nang bigla na lamang narinig ang reklamo ng isang customer na basag na ang salamin ng bintana ng SUV na nakaparada sa harapan ng kainan sa kahabaan ng JP Laurel Highway, Barangay Sico.

Ani Guce, hindi ito ang unang beses na nangyari ang insidente sa harapan ng steakhouse.

"First time po ’yung kay boss ’yung kotse niya dito naka-poark ’yun, tapos binasag, mga documents po ’yung nawala. Binasag din po ’yun. Second time na po ’yung kahapon," kuwento niya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, base sa salaysay ng mga nakakita, nakasakay sa motorsiklo ang salarin na bumasag sa bintana ng sasakyan.

"Ang mode kasi nito, babasagin lang talaga. Parang may ginagamit na glass cutter o diamond cutter, tutusukin lang ang pinaka-corner ng bintana kasi ’yung medyo weak points ng salamin natin tapos itutulak lang. Modus ng mga ito hahablutin lang 'yung laman. Hindi sila nagbubukas ng pinto kasi alam nila na kapag bukas nila ng pinto ng sasakyan mag-trigger 'yun ng alarm," ani Police Lt.Col. Lorry Tarrazona, hepe ng Lipa City Police.

Natangay ang isang laptop at headset na nagkakahalaga ng P41,000 na nasa loob ng SUV.

Nadamay naman ang sasakyan ng ABS-CBN News na katabi ng SUV. Binasag ang salamin kung saan natangay ang personal na gamit ng isang cameraman, isang bag na may lamang camera at lens na may halagang P100,000.

"Ang mahirap dito sa amin sa Lipa, kasi halos maraming mga CCTVs ’yung sira at the same time napakahaba pa ng areas dito na wala pang CCTV so du’n kami nagre-rely sa mga private establishments sa pagre-review ng mga footages," dagdag ni Tarrazona.

Kaya naman ang pamunuan ng Barangay Sico, hindi na magbibigay ng permit sa mga establisyimento na walang CCTV simula susunod na taon, ani Konsehal Fernando Rodeo ng Barangay Sico.

Target ng barangay na dagdagan ng 40 piraso ang kasalukuyang gumaganang 20 CCTV sa barangay.

Ito rin ang panawagan ng pulisya sa lokal na pamahalaan ng Lipa, lalo at malaking hamon para sa kanila ang bantayan ang seguridad ng lungsod dahil nasa 1 pulis ang ratio sa bawat 2,000 residente

Sinikap ng ABS-CBN News na hingian ng pahayag si Mayor Eric Africa tungkol sa pangyayari, pero wala pang sagot sa mensahe.

Patuloy ang pulisya sa isinagawang imbestigasyon.
Patuloy ang pulisya sa isinagawang imbestigasyon.
ADVERTISEMENT
Nanawagan din sila sa publiko lalo at holiday season na magdoble ingat at iwasan mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan ganun din ang pag-iwas sa pag-park sa mga alanganing lugar. — Ulat ni Andrew Bernardo

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT