Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente ng ‘basag-kotse’ na nangyari sa may Quezon City noong gabi ng Disyembre 12, 2020. ABS-CBN News
MAYNILA – Sira ang bintana ng isang SUV na ipinarada sa tapat ng isang restaurant sa Barangay Horseshoe, Quezon City gabi ng Sabado matapos umanong biktimahin ng “basag-kotse” modus.
Kumain umano ang may-ari ng sasakyan sa restaurant. Pero pagbalik niya’y nagulat na lang siya nang makitang may basag na ang salamin.
Wasak ang bintana sa likod ng passenger seat, na pinaniniwalaang gawa ng mga magnanakaw.
Hindi na nagpaunlak ng panayam ang may-ari ng sasakyan at mga pulis.
Nagpatawag ng Scene of the Crime Operative para iproseso ang crime scene
RELATED VIDEO:
– Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, metro, metro crime, Quezon City, basag-kotse, basag-kotse modus, krimen, pagnanakaw