Nasa 200 pasahero sa Manila North Port ang limang araw ng stranded | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nasa 200 pasahero sa Manila North Port ang limang araw ng stranded

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Oct 31, 2022 09:34 PM PHT

MAYNILA - Limang gabi nang nagpapalipas sa Manila North Port ang nasa 200 stranded na pasahero.

Karamihan sa mga pasahero ay biyaheng pa-Cagayan de Oro at Bacolod.

Nasa 200 pasahero sa Manila North Port ang stranded pa rin dahil sa bagyong Paeng.
Karamihan sa kanila paubos na ang dalang pera at dalawang beses sa isang araw na lang umano kung kumain. pic.twitter.com/QQUncUpFGH
— Reiniel Pawid (@PawidReiniel) October 31, 2022

Daing ng pasaherong si Efren Ermac ngayong Lunes, mauubos na ang perang iuuwi niya para sa kaniyang pamilya sa Iligan.

Nitong Huwebes, mula Baguio City ay bumiyahe siya pa-Maynila upang makapagbarko patungong probinsya.
Nitong Huwebes, mula Baguio City ay bumiyahe siya pa-Maynila upang makapagbarko patungong probinsya.
ADVERTISEMENT
"Mauubos na panggastos ko, dalawang beses na lang kakain sa isang araw," kuwento ni Ermac.

Ang senior citizen na si Carmelo Jaro, hindi na makahahabol sa kanilang family reunion sa Bacolod.

Hiling niya sa pamunuan ng port, bigyan umano sila ng pagkain.

"For humanitarian consideration, bigyan naman po nila kami ng pagkain at tratuhin kami bilang passenger at kliyente nila," ani Jaro.

Nitong Linggo, namahagi ng libreng hot meals ang Department of Social Welfare and Development sa 157 na pasahero.

Wala pang abiso sa mga pasahero kung may biyahe na bukas, Martes, papuntang Bacolod at Cagayan de Oro.

Sinusubukan pa rin kuhanan ng pahayag ng ABS-CBN News ang pamunuan ng port hinggil sa reklamo ng mga stranded na pasahero.

Nitong tanghali ng Lunes ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Paeng, pero may pumasok na namang isa pang bagyo.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Bagyong Paeng
Manila North Port
stranded passengers
pasahero
bagyo
Tagalog news
Paeng
biyahe
travelers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT