#WalangBiyahe: Biyahe ng mga sasakyang pandagat suspendido dahil kay Paeng | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#WalangBiyahe: Biyahe ng mga sasakyang pandagat suspendido dahil kay Paeng

#WalangBiyahe: Biyahe ng mga sasakyang pandagat suspendido dahil kay Paeng

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 27, 2022 11:41 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATED) - Suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang mga lugar sa Pilipinas dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa Philippine Coast Guard, pansamantalang ipinatigil ang mga biyahe sa karagatan ng Sorsogon papuntang Northern Samar simula alas-11 ng umaga Huwebes.

Suspendido rin ang lahat ng biyahe sa mga pantalan sa lalawigan ng Romblon at Masbate.

Suspendido rin ang mga biyahe mula Batangas City papuntang Masbate at Calapan sa Oriental Mindoro.

ADVERTISEMENT

Ipinagbabawal rin ang paglaot ng mga sasakyang pangisda sa mga karagatan ng Ilocos Norte.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 1 sa mga lalawigan sa Bicol region, Eastern Visayas, Northern Samar, Samar, Biliran, at hilagang bahagi ng Leyte dahil sa bagyong Paeng.

Inaasahan ang malalaking alon sa mga karagatan sa mga nasabing lalawigan.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.