Ilang barangay sa Kawit, Cavite lubog sa baha sanhi ng Paeng | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang barangay sa Kawit, Cavite lubog sa baha sanhi ng Paeng

Ganiel Krishnan,
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2022 04:15 AM PHT

Ilang mga barangay sa bayan ng Kawit, Cavite ang nalubog sa baha dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng, Sabado ng gabi.

Sa Brgy. Putol Magdalo ilang mga residente ang sinuong ang mataas na baha na abot-baywang.

Bumisita naman si Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo sa Binakayan National High School kung saan naroon ang ilang mga lumikas na pamilya dahil sa baha.

Patuloy ang rescue operation ng Cavite Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) kasama ang ilang local DRRMO para sa mga na-trap na mga residente sa iba pang mga lugar sa lalawigan ng Cavite.

ADVERTISEMENT
Isa na sa naging prayoridad ng Cavite PDRRMO ay ang Brgy. San Juan 1 sa Noveleta.

"Marami pong pamilya ang na-trap sa San Juan (Noveleta), so humingi na rin talaga ng tulong ang LGU ng Noveleta sa provincial government," ani Mark Bawalan, Division Head ng Cavite PDRRMO.

Madaling-araw Linggo nang humina na ang Paeng, ngunit hindi pa kaagad humupa ang baha sa Kawit, kung saan nawalan rin ng kuryente.

Sa Brgy. Kanluran, lagpas-tuhod pa rin ang baha pasado ala-1 ng madaling araw.

Sinisikap pa ng ABS-CBN News na makakuha ng kumpletong detalye tungkol sa sitwasyon ngayon sa Kawit at mga karatig-bayan.