'Na-trap na po kami': Mga residente sa Laguna, Cavite humingi ng rescue | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Na-trap na po kami': Mga residente sa Laguna, Cavite humingi ng rescue

Dabet Panelo,
BMPM
Published Oct 29, 2022 11:22 PM PHT

Humingi ng rescue ang ilang residente sa Noveleta, Cavite at Sta. Rosa, Laguna matapos pasukin ng baha ang kanilang bahay.

Sa kuha ni Bayan Patroller Paul Maramara, kitang-kita na umabot na sa dibdib ang tubig-baha sa kanilang bahay sa San Juan 1, Noveleta, Cavite ngayong Sabado.

Sa tatlong magkakasunod na live post mula 8 PM ngayong araw, Oct. 29, ipinapakita ni Paul ang kanilang kalagayan sabay panawagan ng rescue. Aniya, ngayon lang daw sila nakaranas ng baha sa kanilang lugar.

Nananawagan din ng saklolo si Rica Mae Regodon sa kanyang Facebook post bandang 8 PM din ngayong gabi, Oct. 29.

ADVERTISEMENT
Sa mensaheng ipinadala ni Rica Mae sa BMPM 8:30 PM, sinabi niyang nakalabas na sila ng bahay at nakalipat sa kapitbahay na may second floor ngunit patuloy pa din ang panawagan niya ng rescue dahil malakas pa rin ang agos ng tubig.

Nagpadala din si Rica Mae ng videos na nagpapakita ng lakas ng agos ng tubig baha sa kanilang lugar sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang flashfloods sa ilang parte ng Cavite at Laguna ay bunsod ng Bagyong #PaengPH. Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 20 ng PAGASA-DOST, nakataas sa Signal No. 3 ang TCWC sa Laguna at Cavite.