Mga landslide dahil sa bagyo naitala sa Samar at Negros | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga landslide dahil sa bagyo naitala sa Samar at Negros

ABS-CBN News
Published Oct 29, 2022 11:16 AM PHT
|
Updated Oct 29, 2022 02:03 PM PHT

(UPDATED) Dahil sa walang tigil na pag-ulan dahil sa bagyong Paeng, nagkaroon ng landslide sa Brgy. Lawaan, bayan ng Paranas, Samar.

Ayon sa Paranas Municipal Police Station, hindi madaanan ngayong Sabado ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang kalsada papunta sa ilang barangay ng bayan ng San Jose De Buan.

Maliban sa makapal na lupa na bumagsak mula sa bundok, mayroon ding malaking bato ang nakaharang sa daan.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na pamahalaan ng Paranas at sa DPWH Samar ukol dito.
Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na pamahalaan ng Paranas at sa DPWH Samar ukol dito.
ADVERTISEMENT
Patuloy namang nakararanas ng pag-ulan ang mga bayan ng Calatrava at Toboso sa Negros Occidental ngayong Sabado.

Sa Calatrava, naitala ng MDRRMO ang pang-4 na insidente sa pagguho ng lupa sa bahagi ng Brgy. San Benito nitong Biyernes ng gabi. Ayon sa residenteng si Princess Gimarangan, natabunan ang bahagi ng manukan ng kanyang tiyuhin at aabot sa 30 na manok ang natabunan.

Nahihirapan pa ang LGU na magsagawa ng clearing operation kaya hindi pa madaanan ng mga motorista ang lugar.

"Patuloy ang paggalaw ng lupa kaya ina-advise namin ang mga residente na lumayo muna sa lugar," ayon sa Calatrava MDRRMO head Ray Suminguit.

Sa bayan ng Toboso, nagkabitak-bitak ang bahagi ng kalsada sa Barangay San Isidro.

Patuloy din ang clearing operations sa mga kalsada ng ilang barangay na natabunan ng mga gumuhong bato at natumbang mga kahoy.

Samantala, sa Negros Oriental, nag-collapse ang bahagi ng pader na pumoprotekta sa sulfur vents sa Mag-aso, Valencia ngayong Sabado ng umaga.

Halos walang humpay kasi ang pag-ulan simula pa nitong Biyernes, ayon sa Valencia municipal disaster risk reduction and management office.

Pero isinasagawa na ngayon ang clearing operations at inaabusihan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta kung pupunta sa ibang barangay sa Valencia.

Hinarangan na ang bumigay na bahagi ng sulfur vents para maiwasan ang anumang aksidente.

Dinarayo ng mga turista ang sulfur vents sa Valencia.

Nakaranas rin ng pagguho ng lupa ang bahagi ng bayan ng Siquijor sa probinsya ng Siquijor Biyernes ng gabi.

Tumulong ang mga miyembro ng Siquijor Police Station ngayong Sabado sa pagsasagawa ng clearing operation sa bahagi ng Barangay Luzong upang madaanan ito ng mga motorista.

Ayon kay PSSgt. Jeh Inguito ng Siquijor police, ilang kalsada din ang natabunan ng mga nabaling mga sanga ng kahoy.

Naglilibot pa sa ngayon ang mga personnel ng MDRRMO at BFP sa bayan upang ma-assess ang sitwasyon at ang posibleng pagpapalikas ng mga residente dahil sa patuloy na pag-ulan.

—ulat nina Ranulfo Docdocan, RC Dalaguit De Vela, at Annie Perez
IBA PANG ULAT
Read More:
landslide
bagyo
bagyong Paeng
storm Paeng
severe tropical storm Paeng
Negros Oriental
Negros Occidental
regions
regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT