Halos P7-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay; 2 binata tiklo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos P7-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay; 2 binata tiklo

Halos P7-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay; 2 binata tiklo

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Inaresto sa labas ng malaking mall sa Pasay City ang isang 21-anyos na lalaki na target ng anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Lunes ng gabi.

Kasamang hinuli ng suspek na si alyas Jake ang 18-anyos na pedicab driver na si alyas Ben. Siya ang tinuturong naghatid sa suspek sa mall para sa transaksyon sa poseur buyer.

Nakuha kay Jake ang isang kilo ng umano’y shabu na tinatayang may street value na P6.8 million.

Ayon sa agent ng PDEA Region 4B na nagsagawa ng operasyon, isang buwan na nilang minamanmanan si Jake matapos siyang inguso bilang source ng isang drug suspek na nahuli nila sa MIMAROPA.

ADVERTISEMENT

Depensa ni Jake nang tanungin siya ng media, iniutos lang sa kaniya na dalhin ang paper bag na may lamang droga.

Giit naman ng padyak driver, wala siyang alam sa bentahan ng droga at inaarkila lang siya ng suspek.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng PDEA sa source ng suspek na tinuturong supplier ng droga sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.

Samantala, 10 drug suspek ang inaresto sa hiwalay na operasyon ng Pasay police sa Maricaban Lunes din ng gabi.

Ayon sa pulisya, pawang nakalista sa kanilang drugs watchlist ang 7 lalaki at 3 babae na hinuli sa loob ng bahay sa Barangay 184.

ADVERTISEMENT

Target ng operasyon ang 46-anyos na si alyas Amo at nakatira sa nasabing bahay.

Nasa edad 30 hanggang 59 ang mga ibang suspect na naaktuhan umano sa drug session.

Kasama ang sachet ng shabu na binili sa buy-bust ang halos 4 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng mahigit P25,000, pati drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang kahaharapin nila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.