Inaresto ang 2 lalaki sa magkahiwalay na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Caloocan at Quezon City.
Nakuhaan ng kalahating kilo ng shabu ang isang 38-anyos na delivery rider na hinuli sa labas ng fast food chain sa Barangay 84, Caloocan noong Sabado.
Isinagawa ang operasyon ng mga taga-PDEA Central Luzon kasama ang Caloocan police.
Ayon sa PDEA, taga-GMA, Cavite ang suspek.
Nakalagay sa 2 plastic bag ang nakumpiskang droga at tinatayang may halagang P3.4 milyon.
Inaresto naman ang isa pang lalaking drug suspect sa labas ng isang mall sa Commonwealth Avenue sa Batasan Hills, Quezon City noong Linggo.
Sa buy-bust ng PDEA Calabarzon at NCR sa parking lot ng mall, hinuli ang suspek na si alyas Mohammad pasado alas-6 ng gabi.
Tinatayang may halagang P6.9 milyon (halos 7 milyong piso) ang nasa 1 kilo ng shabu na nasabat sa kanya.
Kapwa nahaharap ang 2 suspek sa kasong paglabag sa anti-drug law.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.