Halagang P1.6B ng hinihinalang shabu nasabat sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2021 02:20 AM

PDEA 
Kuha ng PDEA 

Nasabat sa isang buy-bust operation ang higit sa isang bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Cavite, Sabado ng hapon.

Tinatayang nasa 240 kilos ng shabu na may halagang P1.656 billion ang nakuha ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba't ibang ahensya sa Brgy. Salitran 2, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, dakong 3:30 p.m.

Arestado ang dalawang suspek at nakuha sa kanila ang isang Toyota Hi-Ace van na gamit sa transaksyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38. Pareho silang residente ng Kasiglahan Village, Montalban, Rizal.

Ang operasyon ay kaugnay ng isa ring buy-bust operation sa isang bahay sa Cavite noong October 1 kung saan mahigit isang bilyong pisong halaga rin ng shabu ang narecover at tatlong bodegero ang naaresto. -- Mula sa ulat ni Angel Movido

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC