MAYNILA - Arestado ng mga awtoridad nitong Huwebes ang isang kumakandidatong mayor sa Kabuntulan, Maguindanao matapos mahulihan umano ng nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Matagal na umanong sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang 33-anyos na suspek, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Dahilan ito para maghain ng search warrant ang mga awtoridad sa bahay ng suspek sa Midsayap, Cotabato Province, kung saan siya hinuli.
Nakuha sa loob ng bahay nito ang 10 sachet ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa isang malaking supot.
Nasa P3.4 milyong piso ang halaga ng 500 gramo na iligal umano na droga.
Nakumpiska rin ang isang .45 na baril mula sa suspek.
Kakasuhan ito ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA No. 1095.
- Chrislen Bulosan, ABS-CBN News
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.