Pinoy at 3 Chinese, huli sa kidnapping | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy at 3 Chinese, huli sa kidnapping
Pinoy at 3 Chinese, huli sa kidnapping
Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2021 07:48 AM PHT
|
Updated Oct 17, 2021 07:53 AM PHT

MAYNILA - Timbog ang apat na umano'y kidnapper sa Pasay, Biyernes ng gabi, na kinabibilangan ng tatlong Chinese at isang Pilipino.

Ayon sa Southern Police District, nagkasa ng operasyon ang intel operatives ng Pasay City police matapos makakuha ng impormasyon na may kinidnap umano ang grupo.

Base sa ulat, dinukot ng grupo ang isang 21 anyos na Chinese sa may CCP complex noong Oktubre 2.

Dinala umano ang biktima sa isang POGO company sa Williams Street sa Pasay. Humingi ng P300,000 na ransom ang mga suspek sa biktima kapalit ng kaniyang buhay.

ADVERTISEMENT
Natawagan ng biktima ang kaniyang kaibigan na nangakong magdadala ng pera. Pero nagsumbong na pala ang kaibigan sa mga pulis at nagkasa na sila ng entrapment operasyon.

Nakipagkita ang kaibigan ng biktima sa mga suspek sa harap ng isang hotel sa Parañaque, kasama na rin ang mga pulis.

Nahuli ang apat, at nailigtas naman ang biktima.

Sa ngayon, ang apat na suspek ay nakakulong na sa Pasay City Detention Management Unit.

May mga kaparehong kaso na rin sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan na kinasasangkutan ng mga Chinese na kadalasan ay may kinalaman umano sa POGO business.

Read More:
kidnapping
Pasay
Southern Police District
Chinese
CCP complex
kidnap-for-ransom
POGO kidnapping
crimes
metro news
krimen
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT