3 arestado sa umano’y kidnap-for-ransom sa mga Chinese sa Pasay City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 arestado sa umano’y kidnap-for-ransom sa mga Chinese sa Pasay City

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Aug 26, 2021 06:51 AM PHT
|
Updated Aug 26, 2021 07:11 AM PHT

MAYNILA—Sinagip ng mga pulis sa Pasay City ang 2 magkarelasyong Chinese na sinasabing dinukot ng kapwa Chinese para mahuthutan umano ng pantubos.

Inaresto sa entrapment sa isang paradahan sa Barangay 13 Miyerkoles ng gabi ang 2 Chinese at isang Pinoy na sangkot sa umano’y pangingidnap.

Pinababa sila ng van matapos abutan ng pera ang isa sa kanila.

Police arrested 2 Chinese POGO workers & a Filipino bodyguard in Pasay City for allegedly kidnapping a Chinese man & woman for ransom. pic.twitter.com/uR6BvwSds4
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 25, 2021

Pero kuwento ni Pasay Police chief Col. Cesar Paday-os, pangalawang grupo na ito na kumidnap sa 2 biktimang Chinese na kapwa 38-anyos at taga-Makati.

ADVERTISEMENT
Kuwento ng mga biktima, nag-a-apply umano sila ng trabaho sa isang nagpakilalang employer sa Las Piñas.

Pero nang mamasukan na sila roon noong weekend, tinutukan daw sila ng baril at ikinulong ng 3 araw sa isang bahay.

Pinagbayad umano ng 1.5 million Chinese yuan o mahigit P11 milyon sa pamamagitan ng electronic transfer ang mga kamag-anak ng mga biktima sa China.

The 3 were entrapped in an operation after demanding P400,000 in exchange for the victims.
Police said the victims were sold to the suspects by a group that detained them in Las Piñas & asked for ransom of over P11-M in yuan from relatives in China.
📸:Pasay Police pic.twitter.com/PZjaxdz8a2
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 25, 2021
The 3 were entrapped in an operation after demanding P400,000 in exchange for the victims.
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 25, 2021
Police said the victims were sold to the suspects by a group that detained them in Las Piñas & asked for ransom of over P11-M in yuan from relatives in China.
📸:Pasay Police pic.twitter.com/PZjaxdz8a2
Pero nang makuha ang pera, ibinenta nila ang 2 Chinese sa grupo ng mga suspek.

Humingi naman umano ang grupo ng P400,000 para pakawalan sila.

Dito na nagpatulong sa pulis ang isang Pinoy, 33, na inatasang mag-abot ng ransom.

Nagtatrabaho umano sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ang 2 Chinese habang nagpakilalang bodyguard ang Pinoy.

Tumanggi silang magbigay ng pahayag sa ABS-CBN News.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping with ransom.

May pinaghahanap pa ang pulis na 2 persons of interest na tumakas noong entrapment operation.

Read More:
Pasay City
POGO
Philippine Offshore Gaming Operator
kidnapping
kidnap for ransom
Chinese
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT