9 katao sangkot sa pag-kidnap ng Chinese national, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 katao sangkot sa pag-kidnap ng Chinese national, arestado

9 katao sangkot sa pag-kidnap ng Chinese national, arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 20, 2021 06:55 PM PHT

Clipboard

MANILA (UPDATED) - Siyam na katao na sangkot umano sa pagdukot sa isang Chinese national ang inaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Luzon Field Unit sa Las Piñas City, Biyernes ng gabi.

Ang pagkakaaresto sa grupo ay bunsod ng reklamo sa tanggapan ng PNP-AKG ng mismong biktimang si Alyas Cheng at ng chairman ng Movement for the Restoration of Peace and Order na si Ka Kuen Chua.

Kuwento ni Cheng, nakipagkita sya sa isang babae sa Cavite na nakilala niya sa isang dating app.

Pero laking gulat niya na hindi pala tunay na babae ang katagpo, at may mga kasama rin ito. Puwersahan siya umanong pinasakay sa sasakyan ng mga kasama ng katagpo.

ADVERTISEMENT

Piniringan siya at itinali ang kaniyang mga kamay, saka dinala sa Las Piñas City. Binugbog rin siya at nilimas ang dalang pera na abot P12,000.

Bukod pa rito, hiningan pa umano ang pamilya ni Cheng ng P500,000 kapalit ng kaniyang paglaya.

Matapos makapagpadala ng pera ang pamilya, pinakawalan si Cheng alas-4 ng madaling araw nitong Huwebes.

Sa tindi ng pagkabugbog kay Cheng, nabalian pa ito ng 4 na ribs.

Sa kanyang paglaya, nakipag-ugnayan ang biktima sa PNP-AKG na kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakahuli sa 9 na suspek, Biyernes ng gabi.

Sasampahan ng kasong kidnapping for ransom ang mga nahuling suspek, na pinangalanan ng PNP sa isang pahayag bilang sina Anfernee Joshua Casil, Jomari Pamaranglas, Vincent Karl Suero, Ewald Tacalan, Disney Camacho, Kevin Mark Castillo, Joenel Rosello, Jaypee Rosello at Ostin Callejo.

KAUGNAY NA BALITA:

- Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.