Suspek sa kidnapping, arestado sa Muntinlupa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa kidnapping, arestado sa Muntinlupa

Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Feb 08, 2021 12:35 AM PHT
|
Updated Feb 08, 2021 08:13 AM PHT

Natapos na ang halos apat na taong pagtatago sa batas ng kidnap for ransom suspek na kinilalang si Arnold Gastador Vargas matapos itong arestuhin ng pulisya sa Muntinlupa noong Biyernes.

Inaresto si Vargas ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group sa Ayala Alabang, Muntinlupa City Biyernes ng hapon.

Mula pa 2017, Wanted na si Vargas sa kasong kidnap for ransom at serious illegal detention.

Ayon sa mga awtoridad, sangkot si Vargas sa pagdukot Sa isang Indian national na si Anail Kumar Sohal sa Brgy. San Antonio, Binan City, Laguna, noong August 2017.

ADVERTISEMENT
Humingi ang mga kidnappers ng P20 milyon kapalit ng paglaya ng Indian National, pero nakuhang magkasundo ng pamilya na ibaba nalang ito sa P935,000 at nakipagkita sa SLEX.

Dun na nagtagpo ang mga kidnappers at mga operatiba na naging dahilan ng pagkamatay ng mga kidnappers, pero nakatakas naman si Vargas sa operasyon.

Hanggang matunton siya matapos ang halos 4 na taon sa Muntinlupa City.

Nakakulong na ngayon si Vargas sa AKG lockup jail.