4 na umano'y kidnappers patay sa engkuwentro sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 na umano'y kidnappers patay sa engkuwentro sa QC

ABS-CBN News
Published Jan 22, 2021 06:37 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Patay ang 4 na hinihinalang kidnappers sa engkuwentro ng mga pulis sa Barangay Holy Spirit, Quezon City Biyernes ng madaling-araw.

Nailigtas naman ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group at Quezon City Police District-Special Operations Unit ang dinukot na Chinese national.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon mula sa isang Chinese national na may kasamahan itong dinukot ng 4 na lalaking Pinoy.

Natunton ng mga awtoridad alas-3:40 ng madaling-araw ang umano'y hideout ng mga suspek sa Barangay Holy Spirit.
Natunton ng mga awtoridad alas-3:40 ng madaling-araw ang umano'y hideout ng mga suspek sa Barangay Holy Spirit.
ADVERTISEMENT
Nauwi umano sa palitan ng putok ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng lahat ng hinihinalang kidnappers.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek habang patuloy ang pagsusuri ng SOCO sa crime scene.

Narekober sa lugar ang ilang baril, hand grenade at umano'y shabu. - Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News